Aiko Melendez, ipinagtanggol si Toni Gonzaga tungkol sa Shopee mass layoff

Nag-react ang aktres at politiko na si Aiko Melendez sa paninisi ng ilang netizens kay Toni Gonzaga dahil sa Shopee mass layoff.

Ilang araw bago ang anunsyo ng sikat na online shopping company na magkakaroon ito ng bagong brand ambassador ay mayroon nangyaring mass layoff ang kumpanya. Sinabi nito na nagkaroon ito ng USD 931 milyon na pagkalugi o humigit-kumulang PHP 55B sa ikalawang quarter ng 2022.

Credit: Toni Gonzaga/Instagram

Matapos inanunsyo ng Shopee na si Toni ang magiging bagong brand ambassador nito ay nakatanggap ng pambabatikos ang aktres at host. May mga nag-post din sa social media na ang online shopping company ay nag-terminate ng malaking bilang ng mga empleyado nito para mabayaran diumano ang milyon-milyong talent fee ni Toni bilang bagong endorser.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Aiko ang kanyang saloobin, batay sa artikulo sa Manila Bulletin. Iginiit ng konsehal ng Quezon City na walang koneksyon si Toni sa retrenchment ng mga empleyado.

Ayon kay Aiko, “Sana magstick po tayo na mali ang timing ng ginawa Shopee sa pagalis ng mga tauhan nila at pagbabawas. Dahil ‘di po ito makatao. Pero mali naman ang atakihin nyo ang kinuha nilang endorser dahil iba ang political leanings nya.”

Credit: Aiko Melendez/Instagram

Sinabi rin ni Aiko na marahil ay kinuha ng online shopping company si Toni para maging endorser nito para tumaas ang kanilang benta. Siya ay umaasa na ito ang kaso. Binigyang-diin din ng batikang aktres na kahit anong gawin ng mga tao ay hindi maipagkakaila ang katotohanang isa si Toni sa mga nangungunang endorser.

“Wag na kayo maging divided para sa isang company. Maging malawak sana ang pag iisip ng mga tao. Sa Shopee nyo icall ang attention nyo dahil sila ang nag-alis ng mga empleyado nila and not Toni! Why blame it on the endorser?” pagtatapos pa ni Aiko.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan