Kim Chiu umiwas sagutin ang tanong tungkol kay Vhong Navarro

Tinanong ang It’s Showtime host na si Kim Chiu tungkol sa kanyang co-host na si Vhong Navarro, at ito ang kanyang naging sagot.

Credit: Vhong Navarro/Instagram

Nasa gitna ng legal battle si Vhong. Ito ay dahil sa kasong panggagahasa laban sa kanya na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo. Ang arrest warrant na inilabas laban sa kanya ay walang inirekomendang piyansa kaya siya ay nakakulong sa National Bureau of Investigation (NBI) kung saan siya sumuko.

Gayunpaman, nais ng kampo ni Deniece na siya ay makulong sa Taguig City Jail. Tinanggihan rin ng korte ang pakiusap ni Vhong na manatili sa NBI detention center.

Credit: Kim Chiu/Instagram

Sa isang panayam kamakailan para sa bagong pelikulang Always ay paiwas na sinagot ni Kim ang tanong kung kumusta na ang sitwasyon sa Kapamilya noontime show ngayong nakakulong ang isa nilang co-host dahil sa akusasyon ng panggagahasa, base sa artikulo sa Balita.

Ayon kay Kim, “Ay ano po d’yan, baka kasuhan niyo po ako. Ikaw ang kakaso sa akin. Hindi, ‘wag yun, ‘wag ‘yun,” pabirong saad ni Kim sabay pakiusap na huwag nang hingan ng reaksyon ukol sa isyu.

Credit: Kim Chiu/Instagram

Si Kim ay naging bahagi ng Kapamilya noontime show mula noong Setyembre 2020. Mula noon, naging matatag ang relasyon niya sa kanyang mga co-host, kasama na si Vhong. Gayunpaman, pinili ng aktres na huwag magsalita tungkol sa legal na isyung kinasasangkutan ng kanyang co-host.

Samantala, sa kaparehong panayam, natanong din si Kim tungkol sa susunod na level ng relasyon nila ng boyfriend na si Xian Lim, na leading man din niya sa bagong pelikula. Inamin ng aktres na napag-usapan na nila ang tungkol sa pag-settle down pero wala pang final decision tungkol sa aspetong ito ng kanilang relasyon.

Credit: Kim Chiu/Instagram

Sa kabilang banda, sigurado si Kim na si Xian na ay ang Mr. Right para sa kanya.

“Hindi naman niya pinapasakit ang ulo ko so parang siguro, ‘yung parang kahit iharap mo siya sa lahat ng girls parang ako pa rin yung maganda,” dagdag pa ni Kim.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.