Lazada, tinira nga ba si Toni Gonzaga bilang Shopee brand ambassador?

Itinanghal ang aktres at host na si Toni Gonzaga bilang pinakabagong Shopee brand ambassador at mayroon na kaagad nag-iisip na mga netizen na may patama ang Lazada tungkol dito.

Ang Shopee at Lazada ay kabilang sa mga nangungunang online shopping company sa Pilipinas. Kamakailan lang ay nakatanggap ng bashing si Toni matapos itong ianunsyo na siya na ang bagong endorser ng Shopee.

May mga netizens na nagsabing lilipat na sila ngayon sa Lazada dahil hindi nila nagustuhan ang pagpili ng Shopee ng isang tulad ni Toni na magre-represent sa brand. Sa kabila ng mga negatibong reaksyon, ipinahayag ng Ultimate Multimedia Star ang kanyang pasasalamat dahil naging sikat ang endorsement project na ito online at naging trending topic.

Credit: Shopee/Twitter

Sa isang kamakailang Showbiz Update vlog ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, binanggit ng kanyang guest co-host na si Ate Dick ang Twitter post na ibinahagi ng Lazada. Marami kasi sa mga netizens ang nag-isip na paraan iyon ng banayad na pag-atake kay Toni.

Ayon sa anunsyo ng Lazada, “Pwede gumamit ng vouchers sa Lazada nang sabay-sabay! Make sure to use them when you check out para mas makatipid.” Pagkatapos, idinagdag ng online shopping company ang pangungusap na ito: “At para good shot ka kay Mama, maghugas ka na rin ng mga nakatambak sa lababo.”

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mga netizens na sabihin na ang “sabay-sabay” ay para sa bagong Shopee endorser. Kung maaalala, naging sikat ang nasabing salita noong panahon ng eleksyon dahil ito ang sinasabi ni Toni sa mga manonood sa tuwing kumakanta ito sa mga political rally.

Credit: Lazada/Twitter
Credit: Lazada/Twitter

Ang ikalawang bahagi ng post ay sinabi ng isang netizen na ang tinutukoy ay ang karakter ni Toni sa pelikulang Four Sisters and a Wedding. Sa nasabing pelikula ay ginampanan ng ALLTV talent ang karakter na si Teddy na hindi maganda ang relasyon sa kanyang ina.

Credit: Lazada/Twitter

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan