Alexa Miro kinuwestyon ang pagsama sa mga Marcos sa Singapore; “Sa kanya ba napunta ang taxes ko?”

Namataan ang rumored couple na sina Sandro Marcos at Alexa Miro sa Singapore at mayroong iba’t ibang reaksyon ang mga netizens tungkol dito.

Ang Lunch Out Loud host at Ilocos Norte First District Representative ay napapabalitang nagde-date. Gayunpaman, sa isang nakaraang artikulo ay itinanggi ni Alexa na mayroong romantikong nangyayari sa pagitan nila ni Sandro.

Credit: Instagram

Idiniin pa ni Alexa na napakalapit lang nila sa isa’t isa at talagang matagal na silang magkaibigan. Nasa magandang posisyon diumano ang pagkakaibigan nila ng presidential son. Sa kabila ng bashing, nanatili silang mabuting magkaibigan at sinusuportahan nila ang isa’t isa. Samakatuwid, hindi naapektuhan ng bashing ang kanilang pagkakaibigan.

Credit: Alexa Miro/Instagram

At kamakailan lang, namataan sa Singapore F1 Grand Prix noong Oktubre 1, 2022, Sabado, sina Sandro at Alexa. Ang grand Prix at concert event ay ginanap sa Marina Bay Street Circuit sa Singapore. Ang Westlife, Black Eyed Peas, Suede, at TLC ang mga pangunahing performers sa concert.

Naroon din si Pangulong Bongbong Marcos sa kaganapang iyon.

Samantala, maraming netizens naman ang nag-react sa pagkakasama ni Alexa sa entourage ng mga Marcos sa Singapore.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Alexa tungkol sa isyung ibinabato sa kanya.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.