Serena Dalrymple, ikinasal na sa kanyang French-American boyfriend

Ang dating aktres na si Serena Dalrymple ay ikinasal sa kanyang French-American boyfriend ng apat na taon na si Thomas Bredillet.

Ibinahagi ni Serena, 32, sa social media ang ilang mga larawang kuha mula sa panibagong milestone na ito sa kanyang buhay.

Credit: Serena Dalrymple/Instagram

Sa araw ng kasal ay nakasuot si Serena ng pinalamutian na tulle wedding gown. Isa itong puting wedding gown na may low-cut sa likod.

Sa isa sa mga nauna niyang post, ibinahagi niya ang timeline ng relasyon nila ni Thomas at sa parehong post, ibinunyag niya kung kailan ang kanilang kasal.

Credit: Serena Dalrymple/Instagram

Ayon sa post ni Serena: “2018 – when we first met, also visited the Philippines, and went to Banff; 2019 – our trip to Scotland and Paris; 2020 – we bought a home, and moved from New York to New Hampshire; 2021 – we got engaged; 2022 – we are getting married next week.”

July noong nakaraang taon nang magpahiwatig si Serena tungkol sa kanilang engagement. Nag-post siya sa social media ng larawan niya na nakasuot ng engagement ring.

Credit: Serena Dalrymple/Instagram

Kung maaalala ay sumikat si Serena noong 1990’s. Siya ay lumabas sa iba’t ibang mga patalastas at pelikula hanggang sa unang bahagi ng 2000’s. Siya ay mas naaalala para sa kanyang mahusay na pagganap sa mga child star roles. Bilang isang child star, palagi siyang madaldal at nakakatawang bata.

Noong 1998, nanalo siya ng FAMAS Best Child Actress award para sa pelikulang Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? Ang pinakahuling movie project na kanyang ginawa ay ang 2008 film na Ang Tanging Ina Ninyong Lahat at ang 2010 movie na Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To).

Credit: Serena Dalrymple/Instagram

Pagkatapos noon si Serena ay nagretiro na mula sa showbiz at ngayon ay nakabase na sa New York City sa Amerika.

Nagkakilala sina Serena at Thomas sa pamamagitan ng dating app na Bumble.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan