Elena Kozlova bagong leading lady ni Gerald Anderson sa pelikulang ‘To Russia With Love’

Bida ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa pelikulang To Russia With Love kasama ang Siberian model na si Elena Kozlova.

May ilang acting projects si Gerald ngayong taon. Bukod sa kasalukuyang pinalalabas niyang soap opera na A Family Affair, nag-shoot din siya ng pelikula kasama ang Kapuso actress na si Kylie Padilla. Pumunta sila sa Switzerland para mag-shoot at ginamit nila ang shooting location na ginamit sa hit K-drama series na Crash Landing On You.

Credit: Gerald Anderson/Instagram

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa inaanunsyo ang petsa na ipapalabas ang pelikula. Bukod sa pelikula nila ni Kylie, nag-shoot din si Gerald ng pelikula sa Russia. Ibinahagi ng modelong si Elena ang tungkol dito sa kanyang Instagram page.

Ang To Russia With Love ay nasa ilalim ng Mavx Productions at ito ay i-stream sa Netflix simula Nobyembre 1. Ibinahagi ni Elena na ito ang kanyang debut sa pag-arte, hindi kasama ang kanyang 7-segundong Bollywood movie appearance.

Credit: Elena Kozlova/Instagram

Sinabi rin ng modelo at aktres na excited siya rito at nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

Ayon kay Elena, “Will probably post way too much information about TRWL here – it’s a funny rom-com and a genuinely feel good movie that I’m proud to recommend.”

Ilang netizens naman ang bumati sa leading lady ng boyfriend ni Julia Barretto.

Kasama rin sa pelikula sina Kakai Bautista, Isay Alvarez, Scott Alexander Young, at marami pang iba.

Ayon naman sa teaser ng pelikula: “As a devoted entrepreneur wins the affection of a free-spirited traveler, he must also win over her stern and disapproving father.”

Ang bagong pelikulang ito na tampok sina Gerald at Elena ay mula sa panulat ni Biboy Calleja at sa direksyon ni Veronica Velasco. Batay sa ulat ng Manila Bulletin ay idinirek din Direk Veronica ang critically-acclaimed Filipino Netflix movies tulad ng “Dear Other Self” (2017), “Through Night and Day” (2018),” at “A Faraway Land” (2021).

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan