May ibinunyag ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual tungkol sa mga action scenes na ginawa ng kanyang Flower Of Evil leading lady na si Lovi Poe.
Ang seryeng ito na hango sa isang K-drama series ay ang unang proyekto ni Lovi bilang isang Kapamilya. Para sa kanyang proyekto sa ABS-CBN, kasama niya si Piolo. Kasama rin sa serye si Paulo Avelino.
Ang papel ni Lovi bilang police detective na si Iris Castillo ay kinailangang gumawa ng mga action scene. Pinuri ng mga manonood ang pagganap niya sa serye at tinatawag pa siya ngayon bilang Action Queen. Sa nakaraang panayam, sinabi ng anak ng The King na si Fernando Poe, Jr. na labis siyang natutuwa sa mga positibong feedback na kanyang natatanggap.

Sinabi rin ni Lovi na ikinararangal niya na pinahahalagahan ng mga tao ang kanyang pagsusumikap para sa teleserye. Sa isang panayam kamakailan, base sa artikulo sa Bandera, nagpahayag din ng paghanga ang kanyang leading man na si Piolo sa kanyang determinasyon na bigyan ng hustisya ang kanyang karakter.
Sabi ng aktor, madali lang daw makatrabaho si Lovi dahil magkasundo sila at suportado nila ang isa’t isa para mas mahusay nilang ma-portray ang kanilang mga role. Ibinunyag din ni Piolo na 100 percent ang ibinigay sa kanya ng leading lady niya sa mga action scenes.

Ayon pa kay Papa P, “And watching her do different scenes, especially yung mga action scenes niya, it was a delight to watch kasi wala siyang pakialam kahit maaksidente, binato ni Joko Diaz, tumama yung likod niya.”
Ibinahagi rin ni Piolo na palaging game si Lovi na gawin ang lahat para maging maganda ang eksena.
“Sobra sobrang nakaka-appreciate pag napanood mo,” dagdag pa ng Kapamilya hunk.

Ang mga huling yugto ng Flower of Evil ay i-stream sa Oktubre 8 at 9 sa pamamagitan ng Viu, gayundin sa Kapamilya Online Live, A2Z, at Kapamilya Channel.
Kasama rin sa teleserye sina Edu Manzano, Joross Gamboa, JC de Vera, Agot Isidro, Joem Bascon, Denise Laurel, Pinky Amador, Joko Diaz, Epy Quizon, Jett Pangan, at Rita Avila.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: