P150-M confidential fund ni Sara Duterte ipinagtanggol ng Budget Secretary

Nagsalita si Budget Secretary Amenah Pangandaman tungkol sa P150-M confidential fund ng DepEd sa ilalim ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ang Department Of Education sa ilalim ni VP Sara ay humingi ng Php 150 milyon bilang confidential fund. Bagama’t nasabi na at nahayag na ang usaping ito, isa si Senator Pia Cayetano sa mga mambabatas na humingi ng paliwanag kung paano gagamitin at pangangasiwaan ang pondo.

Credit: Sara Duterte/Facebook

Noong nakaraan, sinabi na ng VP na ang budget ay gagamitin para sa mga programa laban sa mga isyung panlipunan tulad ng “active shooter copycats,” “sexual gooming,“ “insurgency recruitment” ng mga kabataan, at “drug involvement of learners.”

Ibig sabihin, may mga proyektong nakahanay para sa pondong ito ayon sa bise presidente.

Kamakailan lang ay nagsalita na rin tungkol sa confidential fund si Secretary Pangandaman ng Department of Budget and Management.

Ayon kay Pangandaman, ang bise presidente na nagsisilbi rin bilang kasalukuyang Education Secretary ang mismong nagprisinta ng mga plano para sa paggamit nito sa Gabinete. Ito ay gagamitin para sa mga partikular na programa.

Credit: Sara Duterte/Facebook

Sa isang panayam sa Headstart ng ANC, ibinahagi ng kalihim na ang mga plano ay sinabi nang detalyado sa pulong ng Gabinete na kalaunan ay humantong sa pagsang-ayon at pag-apruba ng lahat sa nasabing kahilingan.

Higit sa lahat, isinasaalang-alang nila kung papaano gagamitin ang pera at kung saan ito gagamitin.

Dagdag pa ni Pangandaman, “I’m not sure if I can divulge but during the Cabinet [meeting], it was also discussed po, nadetalye po ng ating mahal na bise presidente kung saan gagamitin ang tinatawag nating confidential funds. So during that time, everyone from the cabinet agreed on it so we approved po the request of the vice president.”

Panoorin ang buong interview:

Sa parehong panayam, itinanggi ni Pangandaman na napolitika ang 2023 budget. Tiniyak niya sa taumbayan na ang pondo ay gagamitin ayon sa tamang layunin.

Sa kabilang banda, humiling din ang OVP ng confidential at intelligence funds na Php 500 milyon para sa isang taon. Ang halagang ito ay kasama sa budget ng OVP para sa mga programa tulad ng financial subsidy, tulong medikal at pagpapalibing, at libreng sakay sa bus at iba pa.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *