Sharon Cuneta tinawag na “baboy” at “stupid monkey head” ng South Korean netizens dahil sa Hermes issue

Binatikos ng South Korean netizens si Megastar Sharon Cuneta dahil sa kanyang vlog na nagpapakitang hindi siya pinapayagang makapasok sa Hermes store.

Para sa ikatlong bahagi ng kanyang South Korea vlog, ibinahagi ni Sharon na bibili sana siya ng sinturon sa Hermes ngunit sa kanyang video, nakasaad na siya ay tinalikuran sa tindahan ng Hermes.

Credit: Sharon Cuneta/Youtube

Dahil dito, nag-trending sa social media si Sharon at nakatanggap ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens. Pinuna ng kanyang mga tagahanga ang luxury brand store dahil sa diumano’y diskriminasyon sa Megastar. Habang may mga netizens naman na ipinunto na kailangan ng appointment bago ma-accommodate ang isang tao.

Paliwanag ni Sharon, alam niya ang panuntunan na kailangan ng appointment bago makapasok sa tindahan at may ilang protocol na sinusunod sa gitna ng pandemya.

Credit: Sharon Cuneta/Youtube

Nakarating sa isang news site sa South Korea ang balitang ito tungkol kay Sharon. Base sa artikulo sa Balita, itinampok ng Insight ang kwentong ito tungkol sa Megastar. Pinag-usapan sa artikulo ang part 3 ng vlog ng aktres kasama ang kanyang karanasan sa Hermes at ang desisyon niyang lumipat sa tindahan ng Chanel.

Binanggit din ng South Korean news site ang iba’t ibang reaksyon ng mga Pilipino sa insidenteng ito. Ang Insight ay mayroong 450,000 followers at inaasahang kakalat ang isyung ito sa mga Koreano.

May mga nagsabing “stupid monkey head” at “baboy” ang Pinay celebrity.

Credit: Facebook

Samantala, personal na tinanong ng Pinoy vlogger na si Lester Javier, na nakabase sa South Korea, ang tindahan ng Hermes tungkol sa isyung ito. Ayon sa kanya, sinabi ng mga tauhan ng tindahan na may tiyak na bilang ng mga customer na tinatanggap bawat araw at ito ay depende rin sa bilang ng mga staff. Mayroon silang panuntunan na isang empleyado ng tindahan para sa bawat isang kliyente.

Panoorin ang buong vlog:

Dahil daw sa pandemya ay nililimitahan din ng mga luxury store tulad ng Hermes ang bilang ng mga customer na pwedeng i-accommodate bawat araw.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Sharon tungkol dito.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.