Narito ang buong video ng engagement at wedding proposal nina Gregg Homan at Angelica Panganiban.
Ang sikat na aktres na si Angelica at ang businessman na si Gregg ay mga magulang na ngayon ng baby na si Amila Sabine Homan. Ipinanganak ng aktres ang kanilang baby noong Setyembre 20, 2022.
Ayon pa kay Angelica, “Been waiting for you all my life.”

At sa ngayon ay panibagong milestone na naman ang dumating sa buhay ng mag-partner. Ibinahagi kasi nila ang isa pang announcement at iyon ay ang kanilang engagement. Nangyari ang proposal bago pa man manganak ang aktres. Ang proposal ay ginawa ni Gregg noong nagbabakasyon sila ni Angelica sa Amanpulo.
Nangyari ang proposal sa tabi ng magandang karagatan na may puting buhangin sa ilalim ng kanilang mga paa, lumuhod si Gregg at tinanong si Angelica ng tanong na nagpatigil sa aktres.

“Love ko, maraming paraan para sumaya sa buhay na ‘to pero ikaw lang yung kailangan ko. Angelica David Panganiban, will you marry me?”
Sa parehong video, kinausap rin ni Gregg ang kanilang hindi pa isinisilang na anak noong panahong iyon. Inihayag niya ang kaba na kanyang nararamdaman ng magpo-propose na siya rito. Ibinahagi niya na nahirapan siya sa paghahanap ng tamang timing para gawin ang proposal.
At sa beach escapade na iyon, perfect timing diumano ang first family outing nila kahit nasa loob pa ng sinapupunan ang baby.
“Daddy loves Mommy very much and I want to spend the rest of our lives together. So, I hope everything goes well. I don’t think she has an idea that I’m gonna ask her today,” dagdag pa ni Gregg.
Ipinakita rin sa video ang reaksyon ng mga taong malapit sa kanila tungkol sa kanilang engagement. Kabilang sa mga taong unang nakaalam ay sina Glaiza de Castro, Monch Novales, Cris Navarro, kapatid niyang si Arlene Aquino, Direk Andoy Ranay, kaibigan niyang si Kevin Samson, nanay niyang si Anabelle Panganiban, at iba pa.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo