Francine Diaz at Seth Fedelin, sinagot ang mga mean comments mula sa mga bashers

Nag-bonding ang bagong magka-loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin sa isang bagong vlog kasama ang pagsagot sa ilang mean comments mula sa mga netizens.

Kabilang sa mga pinakasariwang love team sa industriya ang FranSeth. Sa isang nakaraang artikulo ay na-awkward diumano sila noong una tungkol sa kanilang bagong loveteam pero sa paglipas ng panahon ay nasanay na rin sila. Mayroon din silang upcoming project na “Dirty Linen” mula sa Dreamscape Entertainment at ABS-CBN.

Credit: Seth Fedelin/Instagram

Dati nang nagkasama ang dalawang Kapamilya stars sa hit series na “Kadenang Ginto“ kasama sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri, ang kani-kanilang dating ka-loveteam. Sa isang panayam, nagpahayag si Kyle ng suporta at kaligayahan para sa Franseth at ganoon din ang nararamdaman ni Andrea.

Samantala, ang mga negatibong komento ay pinaghalong personal na pag-atake tungkol sa kanilang ka-loveteam, sa kanilang indibidwal na karera, sa kanilang tagumpay, at iba pa. Ngunit ang isang magandang bagay sa Franseth ay kung paano nila hinarap at sinagot ng mahinahon ang mga mean comment mula sa mga netizens.

Panoorin ang buong video:

Narito naman ang ilang komento mula sa mga netizens:

Ang lakas talaga ng chemistry ng Franseth! I’m so happy to see how comfortable they are with each other. Excited for part 2!!!

So many words of wisdom from Francine here. And I love the maturity and humor of FranSeth. Mad respect on the way they react and handle all the bashing that they receive. I love their teamwork, and how they protect each other. Stay unbothered, and keep reaching for your dreams. Their chemistry is just undeniable.

“Look how close they are na omg parang kailan lang nung awkward awkward pa sila. and nakakatuwa talaga sila. nakaka proud din kase nag-aaral padin sila despite being busy as an actor/actress. can’t wait for their new project and I really hope na more projects pa together.”

“Ang happy ng vibes nila and ang mature nilang sumagot, yung tipong talagang totoo, yung hindi scripted, dun talaga ako natuwa sa sabay na reaction nila nung pinalabas yung sa KG na ki compare sila sa kathniel. Waiting for part2.”

“Francine and Seth they look good together as a friend now but i wish that someday sila talaga sa isa’t isa, the Maturity, Humor, at Personality they’re match walang pilit totoo sila sa isa’t isa.”

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.