Bakit “Imbyerna” si Vice Ganda sa ibang host ng “It’s Showtime?”

Nakakuha ng atensyon ang pagliban ni Vice Ganda sa Its Showtime at mayroong ibinunyag si Ogie Diaz tungkol dito.

Sa isang sunod na linggo, ay tila napilayan ang Kapamilya noontime show ng Kapamilya network. Ilang araw na kasing absent sa show ang Unkabogable star, isa sa mga pangunahing host. Marami na rin sa mga manonood nito ang naghahanap sa kanya.

Credit: Vice Ganda/Instagram

Nakakamiss ang mga kalokohan ni Vice. Hindi na naririnig ang mga biro niya. At hindi ganoon kasigla ang palabas kapag wala siya. Nawawala ang malakas niyang boses. Maaari mang i-deny ng iilan, pero hindi pa rin maipagkakaila na isa si Vice Ganda sa rason kung bakit sinusubaybayan ng mga manonood ang It’s Showtime.

Dahil malaking bahagi siya ng palabas, marami ang nakaka-miss sa kanya. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi siya napapanood sa noontime show ngayon?

Credit: Vice Ganda/Instagram

Sa latest video ni Ogie, ibinahagi niya na “imbyerna” ang Kapamilya star sa ilang hosts. Base sa pagkakakilala niya, hindi niya gusto ang mga inconsistencies. Ayaw niya sa mga host na laging wala, absent nang walang valid na dahilan, at sa mga host na nawawala lang sa gitna ng airing ng programa.

Ayon kay Ogie, “Parang si Vice ang laging bumabangka wala namang kasaluhan, wala siyang kabatuhan.”

Credit: Ogie Diaz/Instagram

Hindi na ibinunyag ng kolumnista ang anumang karagdagang detalye ngunit sa pagtatapos ng kanyang salaysay ay sinabi niyang, “Maaayos din naman yan.”

Sa It’s Showtime naman, hindi pa rin napapanood si Vhong Navarro dahil sa mga kaso at akusasyon laban sa kanya. Nananatili sa schedule si Anne Curtis para sa kanyang appearance at hindi rin nakikita si Jhong Hilario araw-araw dahil sa kanyang trabaho bilang pulitiko.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

Share this article
Erie Swan