Ibinahagi ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang mga nagawa ng ‘Angat Buhay’ foundation sa unang tatlong buwan ng pangalawang chapter.
Ang Angat Buhay ay naitatag ng Angat Buhay Foundation anim na taon na ang nakalilipas. Sa kasalukuyan ay si Robredo ang nagsisilbing chairman nito. Sinabi niya sa isang tweet noong Oktubre 10 na ang foundation ay itinatag anim na taon na ang nakakaraan bilang kanilang pangunahing inisyatibo laban sa kahirapan.

Kasabay ng pagtatapos ng kanyang termino noong Hulyo 1, 2022 ay nagpatuloy ang Angat Buhay bilang isang “non-governmental organization” (NGO).
Ayon sa post ni Robredo: “Six years ago, on October 10, 2016, we launched Angat Buhay as our flagship anti-poverty program. The first chapter ended when I finished my term at the Office of the Vice President on June 30, 2022.”
Six years ago, on October 10, 2016, we launched Angat Buhay as our flagship anti poverty program. The first chapter ended when I finished my term at the Office of the Vice President on June 30, 2022.
— Leni Robredo (@lenirobredo) October 10, 2022
On July 1, 2022, we launched @angatbuhay_ph as an NGO. pic.twitter.com/6HC4njeBTX
Pinuri rin ni Robredo ang mga nagawa ng NGO sa nakalipas na tatlong buwan sa isa pang post.
116 na gumaganang Community Learning centers na may 6,500 estudyanteng pinagsilbihan, Bayanihan e-Konsulta na may 3,562 na pasyente na tinulungan, at mga volunteer program na may 57 partner na organisasyon sa 22 probinsya at pitong bansa ay ilan lamang sa mga inisyatibo na natapos ng Angat Buhay. Bukod dito, 6,370 indibidwal ang bumisita sa Angat Buhay Museum of Hope mula nang magbukas ito noong Setyembre 20.

Dagdag pa ni Robredo, “It has been a little over 3 months since the start of Angat Buhay’s new chapter. On the occasion of our 6th Anniversary, we look back on what we’ve achieved since July 1. We look forward to the years ahead with so much more excitement, inspiration, passion, and, above all, hope.”
It has been a little over 3 months since the start of Angat Buhay’s new chapter. On the occasion of our 6th Anniversary, we look back on what we’ve achieved since July 1. We look forward to the years ahead with so much more excitement, inspiration, passion, and, above all, hope. pic.twitter.com/Xp68ZEc4G2
— Leni Robredo (@lenirobredo) October 10, 2022
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: