Sandro Marcos, binatikos dahil sa “Peso Is Weak Because Dollar Is Strong” statement nito

Nagkomento ang presidential son at Congressman na si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos tungkol sa paghina ng piso laban sa dolyar ngunit umani ito ng pambabatikos mula sa mga netizens.

Mahigpit na binabantayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang patuloy na paghina ng piso ng Pilipinas laban sa dolyar ng Amerika. Nakikipag-ugnayan siya sa Economic Team. Sa kasalukuyan, Oktubre 12, ang palitan ng USD sa PHP ay nasa Php 59.09 sa bawat $1.00.

Credit: Sandro Marcos/Facebook

Bagama’t pinaboran nito ang mga padala ng pamilya ng mga OFW, ang patuloy na paghina ng piso ay nararamdaman sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa. Sabi ng ilang OFW, ang pera na ipinapadala nila sa kanilang mga pamilya ay tila sapat pa rin dahil sa mataas na bilihin.

At kamakailan lamang, sa isang panayam ay nagkomento ang Ilocos Norte 1st District Representative tungkol sa usaping may kinalaman sa piso at dolyar.

Nilinaw ng mambabatas na hindi mahina ang piso. Sa kanyang pahayag, naniniwala siyang mahina lamang ang piso dahil malakas ang dolyar. Itinuring niya ang US dollar bilang ang pinaka-stable na currency sa buong mundo.

Credit: Sandro Marcos/Facebook

Dagdag pa ng batang Marcos, “Ang nangyayari ay lahat ng mga tao kapag may krisis ay bumibili ng dolyar. Kapag binibili yung dollar, ang demanda ng dollar ay tumataas. Ibig sabihin, laban sa ibang mga pera, ito ay nagiging mas malakas.

Si Cong. Sandro ay mayroong Master’s Degree sa Development Studies mula sa London School of Economics and Political Science.

Dahil ang Pilipinas ay may malaking halaga ng mga reserbang dolyar, ipinahayag din niya na, “Ang isang opsyon ay, potensyal na ibenta ang mga reserbang dolyar upang makapag-taper. Tataas pa rin yung value nung dollar pero hindi gaano kalaki.”

Pero iba naman ang naging pananaw at reaksyon ng mga netizen sa kanyang paliwanag.

Mula sa Twitter, narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Credit: News5PH/Twitter

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *