Rhys Miguel suportado ng ilang artista tungkol sa diumano’y pangmo-molestya ni Patrick Quiroz

Nauna nang sinabi ng young actor na si Rhys Miguel na pinagsamantalahan siya ng aktor at singer na si Patrick Quiroz, isang dating co-star niya sa web series na “He’s Into Her” habang nasa set sila. Sa isang locked-in taping ng serye diumano nangyari ang insidente.

Nagising daw si Rhys isang umaga at nahuli niyang pinaglalaruan ni Patrick ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Nagulat at galit na galit diumano siya sa ginawa sa kanya ni Patrick kaya hinabol niya ito.

Credit: Rhys Miguel/Instagram

Ang ganitong uri ng pag-atake sa mga lalaki ay bihirang marinig ngunit ito ay totoong nangyayari. Tanging karamihan sa mga lalaking biktima ay tumatangging magkuwento dahil sa takot na husgahan at kutyain sila ng lipunan.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Rhys ang kanyang kuwento at marami ang nag-udyok sa kanya na magsampa ng kasong kriminal laban kay Patrick.

Credit: Patrick Quiroz/Instagram

At sa gitna ng mga isyu, ilang artista ang nagpahayag ng suporta para kay Rhys at pinatunayan ang maling pag-uugali ni Patrick.

Isang aktor ang nagbahagi ng kanyang personal na karanasan sa diumano’y balak na pananamantala ni Patrick sa kanya. Ayon sa kanya nabigo ang masamang balak ni Patrick dahil ginawa niya ang lahat para protektahan ang sarili.

Credit: Rhys Miguel/Instagram

Pinuri naman ni Sophie Reyes ang katapangan ni Rhys sa pagbubukas ng kuwentong ito para sa kamalayan ng publiko.

Credit: Sophie Reyes/Twitter

Mayroon din isang netizen na nagsabing nakatrabaho niya si Patrick sa isang proyekto at naging saksi diumano siya sa masamang pag-uugali ng aktor. Ayon pa sa netizen, lahat ng red flag ay nakita nito kay Patrick noon.

Credit: Burn_ser/Instagram

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.