Leila de Lima may kahilingan kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Humiling ang nakakulong na dating Senador na si Leila De Lima kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. hinggil sa Department of Justice (DOJ).

Si De Lima ay kasalukuyang nakakulong sa Philippine Custodial Center sa Camp Crame. Mahigit limang (5) taon na ang nakalipas mula nang mabigyan ng warrant of arrest ang Senador noon dahil sa mga alegasyon sa droga laban sa kanya.

Credit: Leila De Lima/Facebook

Si De Lima na isa sa pinaka-vocal critic ng Duterte administration ay inakusahan ng pagkakasangkot sa drug trade sa loob ng National Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice. Naglingkod siya bilang kalihim ng DOJ sa ilalim ng administrasyon ni Ninoy Aquino.

Si De Lima ay tumakbong muli sa senatorial race noong Mayo 2022 ngunit natalo sa halalan. Ilang buwan na ang nakalilipas, ilang mga personalidad na idinawit ang noo’y Senador sa mga akusasyon sa droga ang binawi na ang kanilang mga pahayag.

Kamakailan lang, kinaladkad si De Lima sa isang insidente nang magtangkang tumakas ang tatlong preso sa PNP Custodial Center. Kasunod nito, na-admit siya sa PNP General Hospital dahil sa patuloy na pananakit ng kanyang dibdib.

Credit: GMA News/Facebook

Kamakailan, nagpahayag ng kahilingan si De Lima kay PBBM. Batay sa ulat ng ABS-CBN News, ang nakakulong na dating Senador ay nagpahayag ng kanyang pakiusap sa Chief Executive na pigilan ang DOJ sa pagharang sa testimonya ni Rafael Ragos, isang testigo ng prosekusyon na binawi ang kanyang naunang pahayag.

Ayon sa mensahe ni De Lima: “Mr. President, I will not and will never ask you to interfere with the courts. This is my earnest and most respectful plea to you, your Excellency: Order DOJ to stop blocking the testimony of the recanting prosecution witness Rafael Ragos and for them to stop presenting obviously perjured witnesses like Herbert Colangco.”

Credit: Bongbong Marcos/Facebook

Batay sa ulat, sinabi ni Ragos na pinilit siya noon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na tumestigo laban kay De Lima. Noong Pebrero 2017 nang arestuhin ang noon ay mambabatas kasunod ng matinding palitan ng mga tirada kay dating President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni De Lima kay PBBM na maaari niyang balikan ang mga maling ginawa sa kanya ng dating Pangulo. Binigyang-diin niya na naniniwala siya sa sistema ng hustisya at ipinagdarasal niya na ang DOJ ay maging instrumento ng hustisya at katotohanan sa pagkakataong ito.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *