Bumisita si Senador Robin Padilla kay dating Senador Leila De Lima sa Camp Crame para maghatid ng mahalagang mensahe.
Si De Lima, na nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, ay na-hostage noong Linggo, Oktubre 9, ng kapwa preso na si Feliciano Sulayao Jr.
Tinangka ni Sulayao na tumakas sa detention center kasama ang mga kapwa bilanggo na sina Arnel Cabintoy at Idang Susukan. Sinasabing sinaksak ng tatlo ang isang pulis bago patayin sina Cabintoy at Susukan ng isang attending law enforcement officer.

Nang maglaon, nagawang disarmahan ng mga rumespondeng miyembro ng Special Action Force si Sulayao. Bagama’t agad na dinala sa ospital si Police Corporal Roger Agustin, ang opisyal na nasaksak, hindi naman nasaktan si De Lima.
Kasunod ng insidente, na-admit sa PNP General Hospital ang dating senador dahil sa “lingering chest pain.” Sa kanyang pahayag, isinulat ni De Lima na isinasagawa ang karagdagang pagsubaybay at pagsusuri sa kanya.
Batay sa ulat ng Inquirer, binisita ni Padilla si De Lima sa Camp Crame at ipinaliwanag sa kanya na hindi bahagi ng aral ng Islam ang insidenteng ginawa ng isang miyembro ng Abu Sayyaf. Sinabi ng aktor na naging senador na ang kanyang pagbisita noong Miyerkules ay ginawa sa kanyang kapasidad bilang Muslim at kapwa Bicolano, hindi bilang senador.

Ayon kay Padilla, “Gusto ko po iparating sa kanya, kung anumang ginawa nitong Abu Sayyaf, ang nagawa nilang hindi maganda, nagawa nilang kaguluhan, terorismo o pananakot, yan ay hindi katuruan ng Islam.”
Ayon sa ulat, sinabi ni Padilla na tinalakay niya ang posibilidad ng home furlough para sa abogado ngunit sinabi ni PNP chief Gen. Adolfo Azurin Jr. na pinili ni De Lima na manatili sa Camp Crame.
“Nirerespeto natin yan,” dagdag pa ng Senador.
Pinasalamatan din niya si Azurin sa kanyang paghingi ng tawad tungkol sa maling paggamit ng ilang pulis sa terminong “Muslim” habang tinutukoy ang mga hostage-takers.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: