Baron Geisler nagulat sa tagumpay ng kanyang pelikulang “Doll House”

Nag-react ang aktor na si Baron Geisler sa tagumpay ng pelikula niyang Doll House kasama ang child star na si Althea Ruedas.

Nitong mga nakaraang araw, pinag-uusapan ng mga netizens, pati na rin ng mga celebrity, ang tungkol sa Netflix movie ni Baron. Sa kasalukuyan, ito ang numero uno sa Netflix sa Pilipinas. Maging ang aktor na si Paolo Contis, na may naipalabas ring mga pelikula sa Netflix, ay ibinahagi kung paano siya naapektuhan ng pelikulang ito.

Sa isang kamakailang video na ibinahagi ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa YouTube, nagpasalamat si Baron sa lahat ng sumuporta sa kanyang pelikulang.

Credit: Baron Geisler/Instagram

Ayon kay Baron, “Napaka-grateful ko. I praise God for all the blessings.”Idinagdag din ng aktor na hindi niya inaasahan na ang pelikula ay tatalon mula sa pangalawang pwesto hanggang sa mag-number 1 sa maikling panahon at nanatili ito sa itaas na pwesto sa loob ng isang linggo na ngayon.

Nagpasalamat din si Baron sa Mavx Productions at sa mga tao sa industriya na hindi sumuko sa kanya. Napapanahon naman ang tema ng pelikula dahil ito ay tungkol sa second chances, forgiveness, unconditional love, at authenticity.

Credit: Baron Geisler/Instagram

Ibinahagi rin ng aktor na marami siyang natutunan sa pelikulang ito dahil malapit diumano sa puso niya ang karakter. Inamin niya na halos iisa ang pinagdaanan nila ng karakter niya sa pelikula.

Gayunpaman, ipinunto ni Baron na ang kanyang karakter sa pelikula ay hindi nagkaroon ng pangalawang pagkakataon upang makapag-konekta sa kanyang anak. Sa totoong buhay, sinabi ng aktor na biniyayaan siya ng magandang asawa at mga anak.

Credit: Baron Geisler/Instagram

Na-o-overwhelm din daw si Baron sa kung paano naka-relate ang mga tao sa pelikula dahil tinatawag na sila ngayon ni Althea sa mga pangalan ng kanilang mga karakter.

“Kasi ang tawag na sa amin ng mga tao, Tito Clyde and Yumi,” dagdag pa niya.

Hindi man ipinalabas ang pelikulang ito sa mga sinehan, sinabi ni Baron na okay pa rin ito dahil sa pamamagitan ng Netflix, mapapanood pa rin ito ng mga Pinoy sa ibang bansa.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan