Nagbigay ng update ang beteranang aktres na si Sylvia Sanchez tungkol sa love life ng kanyang anak na si Ria Atayde kay Zanjoe Marudo gayundin sa kasal ng kanyang anak na si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Sa kanyang kamakailang interview kay Korina Sanchez, ay sinabi ni Sylvia na nasa dating stage pa sina Ria at Zanjoe.
Ayon pa kay Sylvia, “Ang huli naming pagkikita ni Ria, nag-usap kami. Kasi hiwalay na kami ng bahay, e. Solo na siya. Sinabi niya, hindi pa raw sila ni Zanjoe.”

Idinagdag din niya na nagliligawan at nagpaparamdaman pa rin sina Ria at Zanjoe.
“Hindi ko masabi na oo talaga, kasi wala pang pag-amin, e. Wala pa talaga,” dagdag pa ng aktres.

Tinanong rin ni Korina si Sylvia kung handa na ba itong magkamanugang. Ang tinutukoy ni Korina ay ang kasal nina Arjo at Maine.
“Handang-handa na ako,” sagot ni Sylvia.
Wala pa naman daw petsa kung kailan talaga ang kasal dahil hindi pa nagsasabi sina Arjo at Maine sa kanya.

“Pero siyempre, alam ko ‘yun na ang kasunod, kasi ‘yun ang gusto nila, e. Pero ‘yung date, hindi ko tinatanong. Hinahayaan kong si Arjo ang magsabi sa akin, ‘di ba? ‘Yung, ‘Kailan ba, anak?’ ‘Malapit na, Mom. Malapit na.’ Kasi siyempre, gusto ko na magkaapo,” pagtatapos pa ng magaling na aktres.
Panoorin ang buong interview ni Korina kay Sylvia:
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: