Arjo Atayde nanumpa sa Nacionalista Party: kaalyado na si Sandro Marcos

Opisyal nang nanumpa ang aktor at kongresista na si Arjo Atayde bilang miyembro ng Nacionalista Party.

Sa kanyang Facebook page, nag-post si Arjo ng mga larawan ng kanyang recent oath-taking kasama si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.

Credit: Arjo Atayde/Facebook

Ayon sa caption ni Arjo: “Ang inyo pong lingkod ay pormal na pong nanumpa bilang bagong kasapi ng Nacionalista Party. Naging saksi sa panunumpang ito ang aking mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde. Ako po ay nanumpa sa aking kapwa mambabatas, kaibigan at kasamahan sa Kongreso na siya ring House Deputy Majority Leader na si Congressman Alexander ‘Sandro’ Marcos.”

Credit: Arjo Atayde/Facebook

Dumalo rin at naging saksi sa panunumpa ni Arjo sina Deputy Speaker Camille Villar-Genuino at Sen. Mark Villar na kapwa miyembro ng Nacionalista Party.

Sinabi ni Arjo na nanumpa siya sa partido para sa mga susunod na proyekto para sa kanyang distrito.

“Ang ating pong pakikianib sa samahan ng Nacionalista ay bahagi din ng ating pakikiisa at pakikipagtulungan sa ating kasalukuyang pamahalaan upang mas mapalawig pa natin ang mga posibleng proyekto at programa na maaaring mapakinabangan ng ating mga mamamayan sa Unang Distrito ng Lungsod Quezon,” dagdag pa niya .

Credit: Arjo Atayde/Facebook

Tumakbo at nanalo si Arjo sa unang distrito ng kongreso ng Quezon City bilang independent noong nakaraang halalan sa Mayo.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan