Naungusan ni Le Nguyen Bao Ngoc ng Vietnam ang 70 iba pang delegado para maging golden anniversary winner ng Miss Intercontinental 2022 pageant habang ang Pilipinas na si Gabrielle Camille Basiano ay nakapasok naman sa Top 20 semifinal round.
Ang Vietnamese beauty ay pinangalanang Miss Intercontinental Asia/Oceania. Siya ay kinoronahan ng previous winner na si Cinderella Faye “Cindy” Obeñita ng Pilipinas sa magarang seremonyas sa Meraki Resort sa Sharm el-Sheikh, Egypt.
Narito naman ang listahan ng mga nanalo: Mariela Pepin (1st runner-up, Puerto Rico, Miss Intercontinental North America) Maria Cecilia Almeida Sousa (2nd runner-up, Brazil, Miss Intercontinental South America), Joy Raimi Mojisola (3rd runner-up, Nigeria, Miss Intercontinental Africa), Tatjana Genrich (4th runner-up, Germany, Miss Intercontinental Europe), na nanalo rin ng Best in Swimwear, at Emmy Marianne Carrero Mora (5th runner -up, Venezuela, Power of Beauty fast-track winner).
Ang iba pang mga delegadong nanalo ng special awards ay ang Czech Republic (Miss Sunrise Merari Model), Sri Lanka (Miss Popularity), El Salvador (Miss Photogenic), Cameroon (Miss Congeniality), at Netherlands (Miss Sunrise Resort).
Ang iba pang mga kandidata na nakapasok sa semifinal round ay ang Philippines, Slovak Republic, Czech Republic, Dominican Republic,Mauritius, Zimbabwe, Japan, Thailand, Australia, Netherlands, Russia, Hungary, Colombia.
Kasama sa selection committee ngayong taon sina Cristoph Hoffman, Kimberly Ann Byers, Habiba El Shaer, Kaitlyn Li, Monika Gruber, E. Dedaer, at Miss Intercontinental 2021 Cinderella “Cindy” Obeñita.
Ang 50th Miss Intercontinental coronation night ay ipinalabas nang live sa isang global audience mula sa open air auditorium ng Meraki Resort sa pamamagitan ng channel ng Miss Intercontinental sa YouTube.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: