Alamin ang nakakagulat na presyo ng mga luxury bags ni Leni Robredo

Kung ang isang tao ay sikat, kahit na ang pinakamaliit na detalye ay napapansin. Lalo na kapag ikaw ay isang sikat na politiko, palaging mapapansin ang mga mararangyang gamit mo.

At kamakailan lang, nakakakuha ng maraming atensyon sa social media ang mga luxury bag at iba pang luxury items ni dating Vice President Leni Robredo.

Kung maaalala, tumakbo si Robredo sa pagkapangulo noong nakaraang May 2022 elections ngunit nabigo itong makuha ang pinakamataas na posisyon sa bansa. Bago bumaba bilang VP, nakatanggap ang kanyang opisina ng pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit sa loob ng apat na sunod na taon.

Credit: Leni Robredo/Facebook

Ang pagkilalang ito ay nagpatunay na ang OVP, sa ilalim ng kanyang termino, ay nagsumite ng mga financial statements na sumusunod sa karaniwang tinatanggap na mga prinsipyo ng accounting.

Bukod sa pagkilala mula sa COA ay nakatanggap din sila ng recertification mula sa International Organization for Standardization noong nakaraang taon.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga mamahaling bagay na nakitang isinuot ng dating bise presidente:

Celine Luggage tote sa presyong $2,800 o Php 165,186.00.

Credit: Mark Lopez/Facebook

Ang isang Salvatore Ferragamo Gancini Flap Shoulder bag ay nagkakahalaga ng $869 o Php 51,266.66.

Credit: Mark Lopez/Facebook

Ang Faure Le Page tote ay may presyong $1,430 o humigit-kumulang Php 84,362.85.

Credit: Mark Lopez/Facebook

Ang Metallic Edge small bag na ito mula sa Balenciaga ay may presyong $2,300 o 135,688.50 sa Philippine pesos.

Credit: Mark Lopez/Facebook

Ang isang GG Supreme tote mula sa Gucci ay nagkakahalaga ng $1,300 o Php 76,693.50.

Credit: Mark Lopez/Facebook

Ang Louis Vuitton Totally PM ay $1,900 o Php 112,090.50.

Credit: Mark Lopez/Facebook

Ang isang Saint Louis GM mula sa Goyard ay tinatayang nagkakahalaga ng Php 226,000.00.

Credit: Mark Lopez/Facebook

Si Robredo ay mayroon ding ilang mga relo ng Omega tulad ng Constellation 25 mm ($6,300 o Php 371, 668.50), at Vintage Solid sa 18K gold ($1,995 o Php 117, 695.03).

Credit: Mark Lopez/Facebook

Samantala, sa kabila ng kanyang pagkatalo kay kasalukuyang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nanalo sa pamamagitan ng landslide, muling inilunsad ni Robredo ang kanyang anti-poverty program na “Angat Buhay” bilang isang non-government organization.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *