Binatikos ng beteranong showbiz columnist na si Cristy Fermin ang mga komento laban sa Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Hindi maipagkakaila na ang Kathniel ay kabilang sa mga pinakamatagumpay at sikat na bituin ngayon, indibidwal man at bilang magka-loveteam. Ang huling pelikulang ginawa nila na “The Hows Of Us” ay nakabasag ng maraming record sa kasaysayan ng pelikula ng Pilipinas.

Ang pelikula ay nakakuha ng ₱805 milyon sa loob lamang ng 50 araw at si Kathryn, para sa kanyang pagganap, ay nag-uwi ng Best Actress award sa 35th PMPC Star Awards for Movies at Entertainment Editors’ Choice Awards for Movies.
At pagkatapos ng mahigit isang dekada ng pagiging magka-love team, hindi pa rin mamatay-matay ang mga haka-haka tungkol sa diumano’y paggamit ng isa’t isa para sa katanyagan at tagumpay.
Totoo ba ito? Ginagamit lang ba ni Daniel si Kathryn all these years?
Sa pinakabagong episode ng programa ni Cristy, napag-usapan niya ito at pinabulaanan ang mga pahayag ng mga bashers.

Ayon pa sa isang komento, “Kaya nga si Daniel napipilitan lang sa’yo e. Ginagamit ka lang ni Daniel, hindi ka talaga niya gusto.”
Idinagdag din ni Cristy na ang ganoong klase ng akusasyon ay imposible kung isasaalang-alang ang tagal ng panahon na sila’y namuhunan bilang magka-love team sa industriya at sa totoong buhay.
“Eleven years, ginagamit? Hindi gusto? Magsabi po kayo ng ibang relasyon na tumagal ng mahigit isang dekada na hindi gusto,” pagtatanggol pa ni Cristy sa Kathniel.

Samantala, kasalukuyang ginagawa nina Daniel at Kathryn ang romantic comedy television series na nag-premiere noong Mayo. Ang proyektong ito ay minarkahan ang kanilang pagbabalik sa primetime television limang taon matapos silang huling magsama sa 2017 series na La Luna Sangre.
Samantala, habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reakson ang Kathniel tungkol dito.
Panoorin ang buong video:
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: