Super proud ang aktres at host na si Toni Gonzaga sa appointment ng kanyang asawa na si Paul Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications.

Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang namuno sa panunumpa ng multi-award-director bilang bagong cabinet appointee noong Lunes, Oktubre 17.

Dumalo sa kanyang oathtaking ang mga magulang ni Paul kasama ang kanyang asawang si Toni at anak nilang si Seve.

Ang suweldo ng presidential adviser ay SG 31, o katumbas ng Php 273,278.00 kada buwan. Ang suweldong ito ay kapareho ng ibang mga posisyon tulad ng Executive Secretary, Press Secretary, Presidential Assistant with Cabinet Rank, National Economic and Development Authority Director General, President ng University of the Philippines, Department Secretary, Presidential Spokesman, Court of Appeals Presiding Justice, Sandiganbayan Presiding Justice, Secretary of the Senate, Secretary of House of Representatives, at Ombudsman.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: