Inilabas na ng Davao City Prosecutor’s Office ang desisyon sa reklamo ni Pastor Apollo Quiboloy laban kay dating Senador Manny Pacquiao.
Isa sa mga nag-organisa ng presidential debate noong May 2022 Elections ay ang Sonshine Media Network International (SMNI) na pag-aari ni Quiboloy na nag-endorso noon sa presidential race frontrunner na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Tumangging dumalo sa debate ang ilang kandidato sa pagkapangulo kabilang na noon si Senador Pacquiao. Binanggit niya na ang organizer ay pag-aari ni Quiboloy na nahaharap sa masasamang akusasyon ayon sa gobyerno ng U.S.
Nagsampa ng reklamo ang Pastor laban sa Senador noon hinggil sa kanyang pahayag.
Kamakailan, inilabas ng Office of the City Prosecutor ng Davao City ang desisyon sa kaso ni Pastor Quiboloy laban kay Pacquiao na ngayon ay isa nang private citizen at kitang-kitang nagbibigay ng oras sa kanyang pamilya.
Batay sa ulat ng ABS-CBN News, ibinasura ng piskalya ang reklamong inihain ng Pastor laban sa dating Senador dahil sa “insufficiency of evidence”.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala sa mga partido ang naglabas ng komento hinggil sa naging hatol ng piskalya.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: