Tom Rodriguez at Carla Abellana, kumusta na matapos ang paghihiwalay?

Tatlong taon matapos ikasal ay naghiwalay sina Tom Rodriguez at Carla Abellana at marami ang nagtatanong kung ano na ba ang buhay nila ngayon?

Ikinasal ang Kapuso stars na sina Tom at Carla sa isang maganda at engrandeng seremonya noong Oktubre 2021. Gayunpaman, tatlong buwan pagkatapos nito, naghiwalay na sila. Ito ay nagsimula sa tsismis noong una ngunit sa paglipas ng panahon, ito ay nakumpirma rin.

Credit: Carla Abellana/Instagram

Nanatili sa bansa ang aktres habang si Tom ay lumipad patungong Amerika. Ang dahilan sa likod ng kanilang paghihiwalay ay hindi nilinaw ng dalawa ngunit may mga tsismis na may third-party na kasangkot. Nagkaroon din ng mga isyu tungkol sa pera ayon sa bulung-bulungan ngunit sa huli, silang dalawa lamang ang nakakaalam ng katotohanan.

May lumabas ring mga tsismis na sinasaktan diumano ni Tom si Carla ngunit itinanggi ito ng aktor. Hinding-hindi daw niya sasaktan ang asawa.

Ayon pa kay Tom, “I have accepted her decision that it is time to move forward, independent from each other. I have to teach myself how to fall out of love from her. This will be a lonely, painful path that I shall take, but together with my family here in the US.”

Credit: Tom Rodriguez/Instagram

Ngayon, kumusta na nga ba ang buhay nila pagkatapos ng paghihiwalay?

Ayon sa report ng PEP, si Carla ay abala sa paggawa ng sariling bahay. Nagsimula ang konstruksiyon noong Marso at umaasa siyang matatapos ito sa kalagitnaan ng susunod na taon.

“Yun lang. Pero oh my God, grabe ang gastos! Lalo na ang construction materials ang taas ng presyo. Pero thankfully, kinakaya naman. Laging may enough funds talaga na set side for the construction for the house. Okay siya. Nakakaexcite! Maraming blessings din,” ang sabi pa ni Carla.

Credit: Instagram

Samantala, nasa America pa rin si Tom. Mayroon siyang mga appearance at kumakanta sa mga events doon. Hindi pa niya masabi kung kailan siya babalik sa bansa at pagdating naman sa tanong kung nakapa-move on na ba siya ay ito ang kanyang naging sagot: “I’m getting there.”

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *