Andrea Brillantes, 5th highest Instagram celebrity earner sa Pilipinas

Isa ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa may pinakamataas na kinikita sa Instagram ayon sa NetCredit. Napunta sa 5th spot ng listahan si Andrea na mayroong 13.5 million followers sa social media platform.

Ang NetCredit, isang US lender group, ay naglabas ng listahan ng mga artista na nangungunang kumikita sa Instagram sa Pilipinas at kung magkano ang kanilang mga kinita batay sa pag-aaral nito.

Ang listahan ng Top Earners sa Instagram sa Pilipinas ayon sa isinagawang pag-aaral ng NetCredit ay pinangungunahan ng mga Pinay actress at celebrities. Narito ang nangungunang 10 celebrities sa listahan at kung magkano ang kinikita nila sa social media platform:

10. Marian Rivera – P4.4 million

Credit: Marian Rivera/Instagram

Nasa 10th spot ang Kapuso star na si Marian Rivera sa mga nangungunang Filipino celebrity earners sa Instagram. Base sa isang artikulo sa ABS-CBN News, nalaman sa pag-aaral na isinagawa ng NetCredit na kumita ng P4.4 milyon ang aktres sa social media platform sa pamamagitan ng mga sponsored posts at IG advertisement.

9. Alex Gonzaga – P20.5 million

Credit: Alex Gonzaga/Instagram

Ang aktres, TV host, at celebrity vlogger na si Alex Gonzaga ay napaulat na kumita ng P20.5 milyon mula sa Instagram na naglagay sa kanya sa ika-9 na puwesto sa listahan.

8. Nadine Lustre – P20.8 million

Credit: Nadine Lustre/Instagram

Isa rin ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre sa Top Instagram Celebrity Earners sa Pilipinas na may kita na P20.8 million.

7. Liza Soberano – P57 million

Credit: Liza Soberano/Instagram

Ang Kapamilya star na si Liza Soberano ay hindi lamang isa sa pinakamagagandang aktres sa industriya ng showbiz ng Pilipinas kundi isa rin sa mga napabalitang kumikita ng malaki sa mga social media platforms. Sa Instagram, nakakuha umano siya ng P57 milyon mula sa mga sponsored posts at IG advertisements.

6. Catriona Gray – P70 million

Credit: Catriona Gray/Instagram

Nasa 6th spot si Miss Universe 2018 Catriona Gray na may napaulat na kita na P70 milyon mula sa Instagram.

5. Andrea Brillantes – P75 million

Credit: Andrea Brillantes/Instagram

Ang pinakabata sa top 10 earners sa Instagram ay ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na kumita ng P75 million mula sa social media platform.

4. Kim Chiu – P100 million

Credit: Kim Chiu/Instagram

Ang dating Pinoy Big Brother Big Winner na si Kim Chiu ay isa rin sa mga may pinakamataas na kinita sa Instagram. Batay sa artikulo, nalaman ng NetCredit na kumita siya ng P100 milyon mula sa social media platform.

3. Anne Curtis – P172 million

Credit: Anne Curtis/Instagram

Ang Kapamilya star at It’s Showtime host na si Anne Curtis ang top 3 Instagram earner sa bansa na may kita na P172 milyon ayon sa pag-aaral na isinagawa ng US lender group.

2. Kathryn Bernardo – P208 million

Credit: Kathryn Bernardo/Instagram

Nasa 2nd spot ang young Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa resulta ng pag-aaral ng NetCredit. Batay sa artikulo, nalaman ng US lender group na nakakuha si Kathryn ng P208 milyon mula sa mga sponsored post at advertisement sa social media platform.

1. Pia Wurtzbach – P216 million

Credit: Pia Wurtzbach/Instagram

Ang Miss Universe 2015 ang may pinakamalaking na kinita sa Instagram sa Pilipinas batay sa pag-aaral ng NetCredit. Napabalitang siya lang ang Pinay celebrity sa listahan ng international top earners sa nasabing social media platform.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan