Sagot sa Miss Q&A Finals, patama nga ba sa 31 milyong bumoto kay PBBM?

Katatapos lang ng “Miss Q&A: Kween of the Multibeks” grand finals ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime at si Anne Patricia Lorenzo ang idineklarang grand winner. Trending topic online ang grand finals at maging asi Anne Patricia.

Nag-trending si Anne Patricia dahil sa panalong sagot niya. Sa bahagi ng patimpalak na “Last Chukchak,” tinanong siya: “Naniniwala ka bang may taong tanga?”

Credit: Anne Patricia Lorenzo/Instagram

Narito ang kanyang buong sagot:

“I believe, oo. Naniniwala akong may taong tanga. Bakit? Dahil sinasadya niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali. Nilikha tayong matalino, pero choice natin magpakatanga at sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nila magpakabobo sa sitwasyong kailangan naman nila at kayang-kaya nilang maging matalino.”

Tulad na lang sa pagpili ng pinuno ng ating bayan. Nagiging tanga tayo dahil alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at may kakayahan pero pinipili natin ang mga taong. Nagpapadala pa rin tayo sa mga taong may mga matatamis na mga salita at iyan ang pagkakataong may taong tanga. And I thank you.”

Ipinaliwanag niya na ang mga tao ay likas na matalino ngunit ang ilan ay pinipili ang “magpakatanga” dahil sa panlabas na mga kadahilanan. Nagiging “tanga” diumano sila sa mga sitwasyon kung saan kailangan nilang maging matalino.

Credit: Anne Patricia Lorenzo/Instagram

Inihalintulad ni Anne Patricia ang sagot niya sa pagpili ng mga pinuno. Nadadala ang mga tao sa matatamis na salita na imbes na pumili ng tamang pinuno ay pinili pa rin nila ang eksperto sa matatamis na usapan ngunit walang aksyon at konkretong plano para sa bayan at ito ang “pagiging tanga” para sa kanya.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *