Manny Pacquiao planong bumalik sa pulitika matapos mangulelat noong eleksyon

Ibinunyag ni Philippine boxing champ at dating senador na si Manny Pacquiao ang dahilan kung bakit plano niyang bumalik sa pulitika matapos mabigo ang kanyang presidential bid noong May 2022 election.

Inihayag ng Pambansang Kamao ang kanyang pagreretiro sa boksing noong Setyembre 2021. Nakatakdang harapin ni Pacquiao ang South Korean YouTuber at martial artist na si DK Yoo ngayong darating na Disyembre 11 sa Korea International Exhibition Center sa Goyang.

Credit: Manny Pacquiao/Instagram

Sa isang presscon, nangako si Pacquiao ng tunay na laban sa Youtuber. Sinabi niya na totoo ang laban at susubukan nilang patumbahin ang isa’t isa.

Nagpunta si Pacquiao sa Seoul, Korea noong Oktubre 10, kasama ang kanyang asawang si Jinkee Pacquiao bilang paghahanda sa kanyang laban kay Yoo. Ibinahagi ni Jinkee ang mga larawan mula sa kanilang paglalakbay sa kanyang Instagram page.

Credit: Jinkee Pacquiao/Instagram

Habang nasa Korea, nag-guest din ang 43-year-old boxing champ sa sikat na South Korean reality game show na “Running Man.” Nakilala rin nilang mag-asawa ang dating miyembro ng 2NE1 na si Sandara Park. Nagbahagi sila ng mga larawan kasama ang Korean superstar sa kani-kanilang Instagram page.

Lumabas sina Manny at Sandara sa October 22 episode ng South Korean variety show na “Knowing Bros.” Sa kanyang guesting, sinabi ni Pacquiao na plano niyang bumalik sa pulitika matapos ang kanyang bigong presidential bid noong Mayo 2022.

Credit: Jinkee Pacquiao/Instagram

Ayon kay Pacman, “Sumali ako dahil gusto kong disiplinahin ‘yong mga tao. Pagdating sa korapsyon, gusto kong sugpuin ‘yong korapsyon and then gusto kong umunland ‘yong bansa namin.”

Pagkatapos ay tinanong ng host at komedyante na si Kim Yongchul ang boxing legend kung may plano ba siyang tumakbong muli. Sagot ni Pacquiao, “Mayroon pa rin. Nandiyan ‘yong passion kong makatulong sa tao.”

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan