Anne Patricia Lorenzo humingi ng tawad sa naging kontrobersyal na sagot sa Miss Q&A

Si Anne Patricia Lorenzo ang nagwagi sa “Miss Q&A: Kween of the Multibeks” ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime. Tinalo niya ang walong iba pang grand finalist noong “Queen-finity War” sa grand finals.

Siya ay isang nagbabalik na kandidata. Noong 2019, nagtapos si Anne Patricia sa Top 6 sa It’s Showtime pageant at siya naman ang hinirang na first runner-up ng Miss International Queen Philippines 2022 pageant.

Credit: Anne Patricia Lorenzo/Instagram

Bilang grand winner, nag-uwi siya ng Php 500,000.00 cash, Php 100,000.00 na halaga ng beauty package, at Php 450,000.00 na halaga ng business package.

Pero bukod sa siya ang nanalo, naging trending topic si Anne Patricia sa social media sa ibang kadahilanan. Ang kanyang huling sagot ay naging kontrobersyal nang tanungin siya ng, “Naniniwala ka bang may taong tanga?”

Ito ang kanyang naging sagot:

“I believe, oo. Naniniwala akong may taong tanga. Bakit? Dahil sinasadya niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali. Nilikha tayong matalino, pero choice natin magpakatanga at sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nila magpakabobo sa sitwasyong kailangan naman nila at kayang-kaya nilang maging matalino.”

“Tulad na lang sa pagpili ng pinuno ng ating bayan. Nagiging tanga tayo dahil alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at may kakayahan pero pinipili natin ang mga taong… Nagpapadala pa rin tayo sa mga taong may mga matatamis na mga salita at iyan ang pagkakataong may taong tanga. And I thank you.”

Credit: Anne Patricia Lorenzo/Instagram

At ngayon, pagkatapos manalo ay ipinahayag ni Anne Patricia sa isang panayam na hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang nanalo. Inamin niya ito sa panayam ng Sakto sa Teleradyo.

Sa parehong panayam ay humingi ng paumanhin si Anne Patricia sa kanyang naging final answer. Ipinaliwanag niya na iyon ay kanyang opinyon noong panahong iyon at gusto niya lamang itong ibahagi sa mga tao.

Naniniwala siya na ang mga tao ay may iba’t ibang pananaw at para sa tanong na iyon, ito ay kanyang sariling opinyon. Sinabi rin niya na wala siyang pinaparinggan na tao.

Ayon pa kay Anne Patricia, “So sorry po, wala po akong pinapatamaan or anything. Basta ‘yun lang po ang nasa puso ko at that time. Kaya ‘yun po ang sinabi ko, ‘yun ang sinagot ko.”

Panoorin ang video sa ibaba:

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *