Atom Araullo nilinaw ang tunay na kahulugan sa likod ng kanyang pangalan

Nilinaw ng Kapuso journalist na si Atom Araullo ang tungkol sa tunay na kahulugan ng kanyang pangalan taliwas sa mga espekulasyon ng ilang netizens.

Si Atom, bagama’t nasa isang news and public affairs department, ay may kasikatan pa rin tulad ng marami sa mga celebrity. Siya ay hinahangaan hindi lamang dahil sa kanyang talento sa paggawa ng mga makabuluhang dokumentaryo na nakaantig sa buhay ng maraming tao kundi dahil din sa kanyang hitsura.

Credit: Atom Araullo/Facebook

Sa kanyang kamakailang serye ng mga tweet ay binatikos ni Atom ang mga haka-haka ng ibang tao tungkol sa kanyang pangalan. Sinabi niya na walang katotohanan ang teorya na ang kanyang pangalan ay isang acronym.

Ayon kay Atom, “Utang na loob, itigil niyo na yung teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM.” Ipinaliwanag din niya na siya ay ipinanganak noong 1982 habang si dating Senador Ninoy Aquino ay namatay noong Agosto 21, 1983.

Dahil dito ay nagbiro pa si Atom na nalaman na tuloy ng lahat ang kanyang tunay na edad. Nilinaw din niya na ang kanyang pangalan ay kumbinasyon ng kanyang dalawang lolo. “Ang Atom po ay kumbinasyon ng Alfonso at Tomas, na pangalan ng dalawa kong Lolong astig,” dagdag pa niya.

Credit: Atom Araullo/Facebook

Malinaw na siya ay dismayado sa mga naniniwala sa “teorya” na siya ay may isang lihim na political agenda. “Nakakatawa na ang dami-daming naniniwala diyan, at ginagamit na pruweba ng umano’y secret political agenda ko (gasp). Never thought I’d need to explain this, but here we are. #Disinformation is real. Learning poverty is real. Anyway, sana masarap ang mga ulam ninyo ngayon,” diin pa ni Atom.

Sa huling bahagi ng kanyang tweet ay sinabi ni Atom na ang dahilan sa likod nito ay maaaring ang pagnanais ng mga tao na ipaalam ang kanyang tunay na edad. “Shucks baka ang agenda lang pala nila ipa age reveal ako. I’ve been played! Curses!” biro pa niya.

Credit: Atom Araullo/Twitter

Samantala, binatikos ni Atom kamakailan ang mga balitang nag-uugnay sa kanyang ina sa mga rebeldeng grupo. Direktang pinabulaanan ng Kapuso journalist ang mga espekulasyon.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *