Xian Gaza itinanggi na si Wilbert Tolentino ang sinasabing “utak ng online scam syndicate”

Nilinaw ng kontrobersyal na social media personality na si Xian Gaza na hindi tungkol sa talent manager na si Wilbert Tolentino ang kanyang blind item video.

Noong Oktubre 23 ay naglabas ng vlog si Wilbert na may pamagat na “Ang Rebelasyon” kung saan inilantad niya ang mga masasamang salita na ipinahayag ng vlogger na si Zeinab Harake laban sa iba pang vlogger at celebrity.

Credit: Xian Gaza/Facebook

Sa gitna ng isyung ito, nagbahagi si Xian ng larawan kasama si Zeinab na may mahabang caption na nagtatanggol sa “ZH” laban sa paratang mula sa “WT.” Pagkatapos nito ay nagbahagi rin ang tinaguriang “Pambansang Marites” ng video na may pamagat na “Ang Rebelasyon.”

Sa halos 9 na minutong video, binanggit ni Xian ang tungkol sa isang online creator o isang partikular na personalidad sa social media na gumagastos ng milyun-milyon bawat buwan sa mga collaboration sa kanyang vlog. Isa umano ang nasabing online creator sa mga taong nasa likod ng online scam.

Credit: Wilbert Tolentino/Facebook

Samantala, ibinahagi naman ni Wilbert ang isang video na nagpapakita ng pahayag ng kanyang abogado tungkol sa mga claim na ginawa ni Xian.

Tungkol naman sa legal na usapin ay nagbahagi si Xian ng post na naglilinaw na wala siyang binanggit na pangalan sa kanyang mga post. Ayon kay Xian, “Kung mapapansin ninyo ay wala akong binanggit na pangalan sa buong video. Kung nag-assume ang publiko sa pagkatao nito, then that’s not my problem anymore.”

Binigyang-diin din ni Xian na ang “nangungunang 2 elemento ng isang kaso ng paninirang-puri ay ang pagkakakilanlan at ang libelous claim.” Sinabi niya na ang kanyang ipinost ay isang blind item at dapat na itigil ng mga netizens ang pag-uugnay ng kanyang video sa “isang Wilbert Tolentino.”

“For the record, hindi totoo yan. I am publicly denying all the allegations na yung taong tinutukoy ko sa video ay si Wilbert Tolentino,” dagdag pa ng “Pambansang Marites.”

Credit: Zeinab Harake/Instagram

Sinabi rin ni Xian na pinahihintulutan niya ang sinuman na gamitin ang kanyang opisyal na pahayag bilang ebidensya.

Binigyang-diin niyang inosente siya at kung mababasa ng mga tao ang kanyang post ay wala siyang binanggit na Wilbert Tolentino dahil hindi niya kilala ang talent manager.

“Napanood ko lang po two days ago sa social media na ang tao na yan ay nagbabayad ng malaki para mag-trending at sumikat,” paliwanag pa ni Xian.

Samantala, una nang tinawag ni Xian na “mukhang barker sa Quiapo” ang abogado ni Wilbert.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *