Sharon Cuneta, gusto ng ‘VIP treatment’ nang magpunta sa Hermes sa South Korea?

Ipinaliwanag ni Megastar Sharon Cuneta ang mga isyu sa Hermes store nang magpunta siya sa South Korea na naging viral at umani ng batikos.

Sa isang nakaraang artikulo, ibinahagi ni Sharon ang isang video kung saan siya pinigilang pumasok sa isang Hermes store sa Seoul, South Korea. Sa unang sulyap, maraming tao ang nag-akala na siya ay tinanggihan na pumasok ngunit ang totoo, kailangan ng appointment bago makapasok sa tindahan ng luxury brand.

Credit: Sharon Cuneta/Youtube

Umani ito ng batikos dahil nagmukhang tinanggihan siyang makapasok ngunit ang katotohanan ay ginagawa lang ng Hermes staff ang kanyang trabaho. Marami ang pumuna dito sa social media. At sa isang tugon sa isang netizen, inihayag ni Sharon na talagang alam niya ang protocol na ito. Sinubukan lang daw niya kung makakalusot siya.

Sa isang bagong video kung saan hinakot niya ang mga pinamili niya noong bakasyon niya sa South Korea ay nagpalipas siya ng oras para ipaliwanag kung ano talaga ang nangyari dahil naging paulit-ulit ang isyung ito at tila hindi narinig ng ilang tao ang kanyang paliwanag.

Credit: Sharon Cuneta/Instagram

Muli niyang sinabi na alam niya ang protocol. Hindi rin niya inaasahan na makakatanggap siya ng VIP treatment dahil alam niyang hindi siya sikat sa dayuhang bansang iyon.

Ayon kay Sharon, “So, parang why will you expect VIP treatment from… first of all, I’m not the type, okay? I just like fair treatment. Ayoko ng injustice. Ayoko ng kaya hindi ka pinapapasok kasi may discrimination.”

At hinggil sa akusasyon na ipinagmalaki niya nang muli siyang dumaan sa tindahan habang bitbit ang mga gamit na binili mula sa ibang luxury brand, pinabulaanan niya ito.

“Hindi rin ako nagyayabang. Kaya sabi ko, ‘Yes, I cannot go [inside]. Look, I bought everything.’ Ginanun ko lang siya, pero nakangiti ako,” paliwanag pa ng Megastar.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan