Karla Estrada nag-react sa balitang hiwalayan nina Kathryn at Daniel

Nag-react si Queen Mother Karla Estrada sa napapabalitang hiwalayan ng KathNiel. Nauna na kasing napansin ng mga fans na may kakaiba sa pagitan ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Very supportive si Karla sa career at relasyon nina Kathryn at Daniel. Ang Queen Mother ay kilala na malapit na malapit sa kasintahan ng kanyang anak. Maganda rin ang relasyon niya sa nanay ni Kathryn na si Min Bernardo.

Credit: Solid Kathniel/Instagram

Kamakailan lang, naalarma ang KathNiel fans sa mga kumakalat na tsismis sa social media. Nanganganib daw ang relasyon nina Kathryn at Daniel. May mga espekulasyon pa ngang lumabas na break na sila.

Ang mga paratang ay mas pinalakas pa ng isang TikTok video na nagpapakita kung paano makabuluhang ibinahagi ng celebrity couple ang kahulugan ng katapatan para sa kanila. Sabi ng ilang fans na nag-comment sa video na ito, mukhang may pinagdadaanan ang dalawa.

Credit: Karla Estrada/Instagram

Gayunpaman, may mga KathNiel fans na nagpakita ng patunay sa pagiging sweet ng Kathniel sa isa’t isa. Tungkol sa isyung ito, isang fan naman ang gustong malaman ang totoong kwento sa gitna ng napapabalitang breakup nina Kathryn at Daniel. Nakatanggap ng tanong si Karla mula sa fan na ito.

Credit: Solid Kathniel/Instagram

Ayon sa fan, “Tita Karla please enlightened us na hindi totoo na break and KathNiel or may prob sila po.” Binanggit din ng fan na nagsimulang umikot ang isyung ito dahil sinabi ni Daniel na ang aso niyang si Summer ang definition ng loyalty para sa kanya. Sinagot naman ito ni Karla ng: “WALANG KATOTOHANAN!!!”

Credit: PEP

Sa nakaraang panayam, ipinahayag ni Mommy Min na gusto niyang magkaroon ng tatlong apo mula kina Kathryn at Daniel. Gayunman, sinabi ng ina ng aktres na wala pang plano ang dalawa na mag-settle down. Nagsimula ang KathNiel love team 10 taon na ang nakalipas na nauwi sa pagiging real-life romance ng kanilang onscreen partnership.

Credit: Solid Kathniel/Instagram

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon sina Kathryn at Daniel tungkol sa isyu na ibinabato sa kanila.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.