Karen Davila ibinulgar na natakot noon kay Korina Sanchez

Ibinunyag ng batikang broadcaster na si Karen Davila na natatakot siya noon sa journalist at TV host na si Korina Sanchez noong nasa ABS-CBN pa silang dalawa.

Bago pa man ipinalabas noong Oktubre 30 ang buong interview sa NET25 ay nauna ng naglabas ng teaser si Korina para sa kanyang panayam sa “Korina Interviews” kay Karen.

Credit: Korina Sanchez/Instagram

Sa teaser video, makikitang tinatanong ni Korina si Karen kung bakit patuloy silang pinag-aaway ng mga tao. Noong 2000, nagsimulang magtrabaho si Karen sa ABS-CBN. Inamin ni Karen na ngayon lang talaga sila nagkaharap ng face to face ni Korina sa loob ng halos 22 taon.

Ayon kay Karen, “Masyado kang nakakatakot noon. So hindi kita nakakausap…Masyado ho siyang nakakatakot noon, ‘wag i-deny! At ‘wag i-cut!”

“Hindi natin ika-cut!” natatawang sambit naman ni Korina.

Ang panayam mismo ay naganap sa bahay ni Karen. Sa kanyang post, sinabi niya na after 22 years niya sa ABSCBN ay nagkaroon na sa wakas ng first-ever one-on-one interview ang legendary na si Korina at siya.

Credit: Karen Davila/Instagram

Ayon sa post ni Karen: “AND… THIS HAPPENED After my 22 years in ABSCBN, the iconic Korina Sanchez and I sat down for a one on one interview for the FIRST TIME – and it was non stop laughter.”

“Thank you @korina @net25tv for having me! I treasure this experience and had such a wonderful afternoon with you! I had so much fun!!! Grateful! ALL IN GOD’s GOOD TIME,” dagdag pa niya.

Ang kanyang post sa social media ay nakakuha ng maraming atensyon at nakatanggap ng magkakaibang mga reaksyon. Maraming mga tao ang natutuwa na magkasama na sa iisang interview ang dalawa sa pinakakilala at pinaka-iconic na mga broadcasters sa bansa.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan