Sarah Geronimo nag-release ng bagong music video pagkatapos humingi ng tawad sa magulang

Naglabas ng bagong music video ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo matapos ang kanyang viral post nang paghingi ng tawad sa kanyang mga magulang.

Si Sarah ay isa sa mga pinakasikat na celebrity at napakapribado pagdating sa kanyang personal na buhay. Nakabenta siya ng milyun-milyong album at minahal ng maraming tao sa kanyang mga kanta. Bukod sa pagkanta, lumabas na rin si Sarah sa ilang teleserye at pelikula.

Credit: Sarah Geronimo Shots/Instagram

Ikinasal ang Popstar Royalty sa Fil-Italian actor na si Matteo Guidicelli. Nagpakasal sila sa Victory Church sa the Fort, Bonifacio Global City Taguig.

Sa isang nakaraang artikulo, lumabas si Sarah sa isang digital billboard sa New York Times Square. Pagkatapos ay ipinost din niya sa kanyang IG account ang mga snaps ng billboard.

Noong Sabado, Oktubre 29 ay inilabas ni Sarah ang music video ng kanyang bagong disco-inspired na kanta, ang “Dati-dati” sa kanyang YouTube channel. Agad na umani ng libu-libong view ang kanyang kanta. Ang kanta ay unang naging available para sa streaming sa lahat ng digital music platform ilang linggo na ang nakalipas.

Ipinakita ng singer ang kanyang walang kupas na dance moves sa music video na idinirek ni Georcelle Dapat-Sy.

Maraming netizens naman ang pumunta sa comment section para purihin ang walang kupas na talento ni Sarah G. Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa video:

“SG is baaaack. legit na PPop talaga to eh, sobrang di pangkaraniwang genre sa Pinas for female singer. more of you plsss. this is a real evolution of Sarah G, showing some of her skin but still slayin and not to look kabastos bastos. finally she’s unleashing herself from the dark part of her life / career” – @dzEDdy

“Sarah G is indeed an award-winning Actress. No matter how upbeat the song is, kung may mensaheng nakatago, kaya niyang tusukin ang puso natin gamit ang kanyang mata. Hindi man tayo sure sa desisyon natin sa buhay, sana maranasan natin muli ang Dati.” – @PrinceHarryRoque

“Artistry is what separates her from the other PH singers. From music to attire and MV concept. NAG-IISA KA QUEEN SG!!!!” -@Ralph

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.