Barbie Imperial, kuha sa CCTV ang pananapak kay Debbie Garcia sa isang bar

Viral ang isang video na kumakalat sa internet na nagpapakita sa mga aktres na sina Barbie Imperial at Debbie Garcia na tila may pisikal at verbal na alitan.

Pinag-uusapan ng netizens ang kamakailang insidente na naganap sa isang bar sa Quezon City. Ang video na nagpapakita kung ano ang nangyari ay kumalat online noong Martes. Sa video, unang nakita ang dalawang aktres na masyadong malapit na nag-uusap sa isa’t isa.

Credit: Barbie Imperial/Instagram

Tapos, makikita na si Barbie ay mukhang masinsinang nakikipag-usap kay Debbie na para bang may binibigyang diin. Tila itinuro ni Debbie ang kabilang side ng bar at sinubukang gumalaw ngunit sinubukan siyang pigilan ni Barbie.

Habang nangyayari ito, sinubukan silang pigilan ng isang lalaking naka-itim na kamiseta. Tapos, bigla na lang binatukan ni Barbie si Debbie. Pagkatapos noon ay hinawakan siya ng lalaking nasa likod ni Barbie para pigilan ang ginagawa niya.

Sa isang video na ibinahagi ng Abante entertainment columnist na si Rey Pumaloy ay wala pang ulat na nagsasaad ng dahilan ng “alitan” ng dalawang aktres. Gayunman, sinabi ng columnist na base sa kanyang source, nagalit si Barbie kay Debbie dahil nakikipag-date ang huli sa aktor na si Diego Loyzaga.

Credit: Debbie Garcia/Instagram

Ang aktor ay ex-boyfriend ni Barbie. Early this year lamang kinumpirma nilang naghiwalay sila pagkatapos ng isang taon ng relasyon. Na-link si Diego kay Debbie nang magbahagi ng larawan nina Barbie at Diego na magkasama noong Marso ang self-proclaimed “pambansang marites” na si Xian Gaza.

Nagkita sina Barbie at Diego pagkatapos nilang maghiwalay at pagkatapos umuwi ang aktor sa Pilipinas. Dahil dito, lumabas ang tsismis na posibleng nagkabalikan sila. Gayunpaman, may nakakaintrigang komento si Xian sa larawan ng dalawa. Tinanong niya kung ang kumuha ng litrato ay si Debbie. Mukha gustong palabasin ni Xian na mayroong namamagitan kina Diego at Debbie.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan