Ikinalungkot ng maraming Pinoy fans ang pagpanaw ng mang-aawit at songwriter na si Danny Javier ng iconic na OPM trio na Apo Hiking Society. Pumanaw si Danny noong Lunes (Oktubre 31, 2022). Ang pagkamatay ng mang-aawit ay kinumpirma ng kanyang anak na si Justine Javier Long.
Ayon kay Justine, ang kanyang ama ay namatay mula sa mga komplikasyon dahil sa kanyang matagal ng mga sakit. Humingi ang pamilya ng privacy ngunit nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa lahat para sa pagbuhos ng pagmamahal, panalangin, at pakikiramay.

Kamakailan, ibinahagi ng music producer at long-time collaborator ni Danny na si Lorrie Ilustre ang recording ni Danny na kumakanta ng isang awit na pinamagatang “Lahat Tayo.” Ipinost niya ang kanta sa kanyang Facebook page, na inilabas din sa label na HomeWorkZ Music’s YouTube channel noong Nobyembre 1, 2022.
Paliwanag ni Ilustre, ang video ay unang ipinost ni Danny sa kanyang personal Facebook account.

Ayon sa post ni Ilustre: “I wanted to ask for prayers 3 weeks ago when I learned that he was rushed to the hospital and was in bad shape, but due to the family’s wishes I refrained from posting. I decided to arrange and record instead a tune he roughly sang on his Facebook page. Through family, I was able to get the recording with his original vocals to his hospital bed. The nurse played the music to Danny and he would nod to acknowledge that it was ok. That’s good enough for me.”
Ang kanta ay tungkol sa kamatayan at sarap sa buhay. Ayon sa bahagi ng lyrics ng kanta: “Sige akong mauuna, pangakong susunod ka ha, malungkot ang nag-iisa, mas masayang kasama ka,”
Naging positibo naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa social media tungkol sa kanta ng OPM icon. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:



Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: