Robi Domingo engaged na sa kanyang girlfriend na si Maiqui Pineda

Sa wakas ay engaged na ang Kapamilya host na si Robi Domingo kay Maiqui Pineda at narito ang nakakakilig na video.

Ang sikat at in-demand na Kapamilya host na si Robi ay nasa isang long-term relationship sa kapwa Atenista at non-showbiz girl na si Maiqui Pineda. Noong 2018, naging mas malinaw ang status ng kanilang relasyon.

Credit: Robi Domingo/Instagram

Ang nagustuhan niya kay Maiqui bukod sa pagiging iba sa ibang mga babae na nakilala niya ay ang kanyang pagiging independent, at ang kanyang pagkahilig sa sining. Ang kanilang mundo ay dalawang magkaibang mundo at kakaiba, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkakasundo.

Credit: Robi Domingo/Instagram

Sa kabila ng pagiging public ng kanilang relasyon ay hindi na sila nagbubunyag ng maraming impormasyon tungkol sa kanilang dalawa. Ito ang palaging paraan nila para panatilihing pribado ang kanilang relasyon. Gayunpaman, sinusubukan pa rin nina Robi at Maiqui na ipahayag ang kanilang mga damdamin sa publiko paminsan-minsan sa pamamagitan ng kani-kanilang mga social media account.

At kamakailan lang, parang natagpuan nila ang endgame sa isa’t isa. Si Robi, sa gitna ng kalye sa Japan, ay lumuhod sa harapan ni Maiqui at tinanong kung handa na ba siyang pakasalan nito. Kung maaalala, nasa Japan sila kasama ang ilang kaibigan para ipagdiwang ang Halloween.

Credit: Robi Domingo/Instagram

Isang video ang ibinahagi ng ABS-CBN kung saan nakunan ang sandali na sa wakas ay hiningi iya ng kamay ng nobya para pakasalan.

Sa isang nakaraang artikulo, noong 2020, ipinahayag ni Robi na talagang naramdaman niyang si Maiqui ang “the one” para sa kanya. Iniwan din niya ang mensaheng ito para sa kanya: Maiqs, I just want to say thank you for bringing me into this type of direction and for making me the best version of myself. I will be here for you and I hope and pray to be with you.”

Panoorin ang video ng kanilang engagement sa ibaba:

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan