Kris Aquino: Kumusta na nga ba ang kanyang health status sa Amerika?

Ano na ba ang kasalukuyang health status ng Queen of all Media na si Kris Aquino?

Kinailangan ni Kris na umalis ng Pilipinas para magpagamot sa kanyang autoimmune disease. Sa gitna ng health struggles na kinakaharap niya, nagpakita ng suporta sa kanya ang kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Ipinahayag din ng kanyang mga tagahanga na ipinagdarasal nila ang kanyang mabilis na paggaling.

Credit: Kris Aquino/Instagram

Batay sa artikulo sa Bandera, kinumpirma ng kaibigan ni Kris na si Dindo Balares, isang dating entertainment editor, ang pahayag kamakailan ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa aktres at host.

Sabi ni Dindo, gumaling na si Kris at kasalukuyang nasa Los Angeles. Ang dating entertainment editor ay nagbahagi ng kamakailang post sa Instagram tungkol dito.

Ayon sa post ni Dindo: “Kumusta na si Kris? As sharp as ever at makulit pa rin. Kumpirmado ang inilabas ni Ogie Diaz sa YouTube na umalis na sa Texas at lumipat sa Los Angeles si Krisy.”

Credit: Kris Aquino/Instagram

Ibinahagi din ng dating entertainment editor na nagpadala si Kris ng video sa kanya kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby. Gayunpaman, sinabi niyang hindi niya mai-share ang video ngayon o kahit isang screengrab dahil hindi siya humingi ng permiso sa aktres na i-post ito. Sa halip, nagbahagi na lang siya ng larawan kasama si Kris.

Pagkatapos, ipinaliwanag ni Dindo kung bakit niya isinama ang kanyang tree-planting activity sa kanyang post. Nang mag-retire daw ka siya ay updated si Kris sa kanyang hobby.

Credit: Kris Aquino/Instagram

“Bonding at pang-goodtime ko sa kanila ni Bimb ang pagpapadala ng photos tuwing nasa bundok ako. ‘Di kasi nila gets noong una kung bakit ko ipinagpalit sa lupa, mga halaman, at manok ang trabaho sa city,” dagdag pa niya.

Mula nang bumalik siya sa pagtutok sa aktibidad na ito, sinabi ni Dindo na updated si Kris pagdating sa mga eksperimento sa natural fertilizers. Ibinahagi rin niya na tawa ng tawa ito nang malaman niyang iniinom niya ang lactic acid bacteria serum na personal niyang ginawa.

Natuwa rin si Kris sa effort ni Dindo sa pagtatanim ng Japanese sweet potatoes at iba pang superfoods. “‘Please tell me if there’s anything Kuya Dindo The Farmer needs,’ sabi niya sa akin paglipat niya sa LA. ‘O, hayan ka na naman,’ sagot ko. “Nagpapagamot, e. Ikaw na muna. Ikaw naman na muna. ‘Wag na muna ang ibang tao,” ayon pa sa ibinahaging post ni Dindo..

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.