Ginulat ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang mga netizens sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang versatility mula sa pagiging isang tv host hanggang sa pagiging isang beauty queen. Matapos manalo sa pambansang pageant na Binibining Pilipinas 2022 bilang first runner-up ay naghahanda na siyang sumabak bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Planet International 2022.
Ang international pageant ay gaganapin sa Kampala, ang kabisera ng Uganda. Kokoranahan ng reigning queen na si Monique Best mula sa South Africa ang magwawagi sa Nobyembre 19.

Sa Nobyembre 5 o 6 ay inaasahang darating sa Kampala ang mga kandidata para sa pageant. Ang mananalo ay puputungan ng korona na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $250,000.
Si Hipon Girl at ang kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino ay umalis kamakailan ng bansa patungong Uganda. Ibinahagi naman ng Bb. Pilipinas organization ang mga larawan ni Hipon Girl sa airport.

Samantala, ibinahagi kamakailan ng beauty queen ang isang heartwarming video sa kanyang IG page. Sa nasabing video na kuha ni Wilbert ay makikita si Hipon Girl na may nakakakilig na moment kasama ang ilang mga bata mula sa Uganda. Siya ay masiglang umawit ng “Philippines” kasama ang mga bata.
Kamakailan ay nag-upload si Wilbert ng vlog na nagpapakita ng pakikipag-bonding ni Hipon Girl sa iba pang beauty queens. Mukhang masaya ang kinatawan ng Pilipinas sa Uganda.

Makikita sa isang clip ang 23-anyos na celebrity na nagtuturo ng ilang salita at pariralang Tagalog sa isa pang beauty queen. Batay sa mga video, tila maayos namang nakakapagsalita ng Ingles at nakikipag-ugnayan sa mga dayuhan si Hipon Girl.
Higit pa rito, makikita rin sa Youtube vlog ni Wilbert si Hipon Girl na dumalo sa orientation, general assembly, at media tour activities. Maraming Pinoy ang umaasa na maiuuwi ng komedyante ang korona.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: