Arnold Clavio nag-react sa balitang pumanaw na si Mike Enriquez

Nag-react ang Kapuso news anchor na si Arnold Clavio sa balitang pumanaw na ang beteranong newscaster na si Mike Enriquez.

Isa si Enriquez sa mga beteranong news anchor sa larangan ng newscasting. Isa siya sa mga pangunahing tagapagbalita ng news program ng GMA-7 na “24 Oras”. Bahagi rin siya ng programa sa radyo ng dzBB na “Saksi sa Dobol B”.

Disyembre noong nakaraang taon nang nag-medical leave si Mike mula sa trabaho para sumailalim sa kidney transplant. Pagkatapos ng operasyon, naka-isolate siya ng tatlong buwan bago siya bumalik sa trabaho noong Marso. Gayunpaman, kamakailan lamang, siya ay kapansin-pansing absent muli sa mga kinatampukang mga programa.

Credit: Mike Enriquez/Facebook

Ang kapansin-pansing pagkawala ng beteranong newscaster ay mas lalo pang nagpaingay sa tsismis na patay na ito. Base sa isang artikulo sa Pep, kumalat ang nasabing tsismis matapos mag-post sa social media ang singer na si Richard Merk na nagpapahayag ng kanyang pakikiramay sa umano’y naulila na pamilya ni Enriquez.

Ayon sa post ni Merk, “Rest in peace Tito Mike. We will all miss you. A great loss to the news industry. Labyu Tito. My sincere condolences to your loving family and friends. Enjoy the company of our dear creator in heaven.”

Mabilis naman na nag-react ang kapwa newscaster ni Enriquez na si Arnold Clavio sa mga tsismis na patay na ito. “Fake news!” ang sabi ni Clavio sa social media tungkol sa tsismis na namatay na si Enriquez.

Credit: Arnold Clavio/Facebook

Base sa artikulo, sinabi ni Merk na nakuha lang niya ang balita sa post ng character actress na si Loly Mara na humingi rin ng paumanhin at sinabing peke ang balitang nakuha niya ilang taon na ang nakararaan. Humingi naman ng tawad si Mara kay Enriquez sa nangyari.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *