Humigit-kumulang P4 bilyon ang kailangan para sa pagtatayo ng maximum security prison facility para sa 2,000 heinous crime convicts na hindi dapat maabot ng ibang tao, iyan ang sabi ni Justice Secretary Jesus Remulla sa budget hearing ng departamento sa Senado kahapon.
Ayon sa ulat ng PhilStar, sinabi ni Remulla na nakikipag-ugnayan ang Department of Justice (DOJ) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para isapinal ang mga detalye ng pagtatayo ng jail facility sa Sablayan, Mindoro Occidental sa unang bahagi ng susunod na taon.
Ayon kay Remulla, “May kasunduan kami sa DPWH tungkol sa supermax jail. Tatapusin natin ito habang ginagawa natin ang budget. It would be in Sablayan, Mindoro Occidental. Mga P4 billion para sa supermax. Naghahanap kami ng 2,000 katao, mga P2 milyon kada bilanggo.”
Aniya, ginagawa na ngayon ng DOJ ang mga detalye, kabilang ang mga disenyo na inaasahan niyang maipatutupad sa simula ng 2023, at sa loob lamang ng isa at kalahating taon.
“Ginagawa namin ang mga pag-aaral at mga disenyo. Ang lahat ay dapat na sa susunod na taon. Kung magagawa natin in 18 months, gagawin natin,” dagdag pa ng DOJ chief.
Bukod sa supermax jail facility, sinabi ni Remulla na isinusulong din niya ang pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga kasalukuyang pasilidad sa mga rehiyon, kabilang ang San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, Leyte Regional Prison, Correctional Institute for Women, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, at Davao Prison and Penal Farm.
Aniya, ang pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga regional jails ay aabutin ng humigit-kumulang P5 bilyon at susubukan gawin sa loob ng dalawa hanggang apat na taon lamang.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: