Roberta Tamondong pormal na kinorohan bilang 5th runner-up sa Miss Grand International

Pormal nang kinoronahan si Binibining Pilipinas Grand International 2022 Roberta Angela Tamondong bilang Miss Grand International (MGI) fifth runner-up ngayong taon sa isang grand fan meet sa Thailand kagabi, ito ay sa kabila ng pormal na pag-withdraw ng Binibining Pilipinas sa MGI.

Si MGI President Nawat Itsaragrisil mismo ang naglagay ng fifth runner-up sash at korona kay Roberta, gaya ng makikita sa isang video na ipinost ng MGI sa Instagram kahapon.

Si Tamondong ang huling Binibini na ipinadala ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) para lumaban sa MGI. Bilang Top 10 appointee, nasa Bangkok ngayon si Roberta kasama ang siyam na iba pang reyna sa opisyal na kapasidad. Maglilibot sila sa Thailand at ilang bansa sa Asya para isulong ang layunin ng MGI na itigil ang digmaan at karahasan.

Ginulat ng pamunuan ng BPCI ang ilang pageant fans sa naging desisyon nito na mag-withdraw na sa MGI.

Ayon sa post ng BPCI: “BPCI officially withdraws from the Miss Grand International and will no longer renew its franchise. We thank the organizers of MGI and wish them the best in their endeavors.”

“With that said, we remain committed to delighting our followers and sponsors through the productions of world-class pageants that help propel Filipinas to reach their fullest potential and achieve greatness in an international stage.”

“For almost 60 years, we have built BPCI’s legacy in producing a stellar roster of international winners and, over the decades, we have enjoyed the immense support of our fans. We will be forever grateful for their dedication, passion, and love for Binibining Pilipinas and our queens.”

Credit: Bb. Pilipinas/Facebook

Maglalagay pa ba ang Pilipinas ng delegado sa MGI finals sa susunod na taon? Iyan ang tanong ng ilang pageant fans. Ngunit sa kasalukuyan ay wala pang sagot ang BPCI tungkol dito.

Ang pinakamalapit na placement na nakuha ng isang Pinay sa MGI pageant ay noong 2016 kasama si Nicole Cordoves, at noong 2020 kay Samantha Bernardo. Nagtapos ang dalawang reyna bilang 1st runner-up.

Ang 2023 MGI coronation night ay nakatakdang ganapin sa Ho Chi Minh City, Vietnam sa Oktubre 25, 2023.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *