Inalis ng talent manager na si Wilbert Tolentino ang beauty queen na si Herlene “Hipon Girl” Budol sa sinalihan nitong international beauty pageant.
Mayroon mga bulung-bulungan na kanselado na raw ang Miss Planet International 2022. Isa itong pageant kung saan sasabak sana si Hipon Girl para katawanin ang Pilipinas. Gayunpaman, dalawa sa mga kandidata sa kompetisyon, mula sa Jamaica at Czech Republic, ang nagkumpirmang nakansela na nga ito.

Ipinahayag pa ni Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow na tila ninakawan ang mga kandidata dahil sila ang nagbabayad ng kanilang sariling pagkain at tirahan.
Ayon kay Tamila, “I have to apologize, but unfortunately we were robbed. We haven’t had even 10% of the activity, nothing was paid, nor our accommodation nor our food. We’re stuck in Uganda.”

At kamakailan lang, ang talent manager ni Hipon Girl na si Wilbert, ay nagbahagi ng update tungkol sa mga tsismis na sila ay umatras na sa kompetisyon.
Sinabi ni Wilbert na ang kawalang katiyakan ng mga organizer ang nag-udyok sa kanila na umatras sa Miss Planet International 2022. Idinagdag din niya na maging ang Ugandan Government ay tila walang anumang plano na mamagitan.
Narito ang buong post ni Wilbert:
Bilang MPP National Director, inilabas ni Wilbert ang kanyang hinanakit at sinabi na hindi lang korona, pera, at pagsisikap ang nawala sa kanila kundi pati na rin ang oras. Nawalan sila ng oras at nag-aksaya sila ng oras. Inilarawan pa niya na ito ay isang “traumatic experience” para sa kanila ni Hipon Girl.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: