Nagbahagi si Maggie Wilson ng isang post tungkol sa “fall of a succcessful man” at “other women”.
Patuloy pa rin ang mga tirada sa social media ni Maggie laban sa dating asawang si Victor Consunji. Sa isang nakaraang artikulo, gumawa siya ng isang bagong pahayag tungkol sa pagiging tama tungkol sa palagi niyang sinasabi sa asawa noong magkasama pa sila tungkol sa kanyang pinagkakatiwalaang empleyado.
Nagsalita si Maggie tungkol sa babaeng nagnakaw kay Victor at sa kanyang negosyo. Ayon sa mga ulat, ang pinagkakatiwalaang empleyado ni Victor, si Lana Faith Johnson, ay kinuha na ng mga awtoridad.

Malapit na pinagkakatiwalaan ni Victor si Lana, alam din nito ang loob at labas ng negosyo kung kaya’t nagawa daw nito na magsinungaling at magnakaw.
Ang mga kaso na isinampa kay Lana ay hindi lamang isa o dalawa.
Ayon sa bahagi ng post ni Maggie, “I tried to protect you but instead you chose to believe her over me. I always had your back and best interests. A woman’s intuition is always right. She used me to divert the attention. I thought you’d be smart enough to see through it.”

Matatandaan, noong Setyembre 2021 nang inanunsyo nina Maggie at Victor ang kanilang hiwalayan 11 taon matapos ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Sa inilabas nilang opisyal na pahayag, sinabi nila na lagi nilang susuportahan ang isa’t isa at pananatilihin ang “sense of family” para sa kanilang anak na si Connor.
Gayunpaman, ang sitwasyon ay hindi naging mapayapa sa pagitan nila. Nagkaroon sila ng palitan ng mga tirada na pinagpyestahan ng mga netizens sa social media.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: