Cristine Reyes at David Chua nakitang nagdi-date sa LANY concert

Spotted ang aktres na si Cristine Reyes kasama ang aktor at direktor na si David Chua sa unang gabi ng LANY concert sa Maynila.

Sabay na dumating sa VIP section ng MOA Arena sina Cristine at David para mag-enjoy sa concert ng international artist.

Credit: Facebook

Ayon sa report ng Philstar.com, isang source na malapit kay David ang nagsabi na nasa stage na sila ng pagkakakilala sa isa’t isa.

Nang tanungin kung may relasyon na sila, sinabi ng source na, “Well, hindi pa.”

Sinabi naman ng isang TikTok user na deserve ni Christine ang magkaroon ng lovelife.

@jmilsev22 Christine Reyes at LANY concert. #Fyp #LANY ♬ original sound – JMilSev 22

Sina Cristine at David ay parehong talent ng ABS-CBN subalit hindi pa talaga sila nagkatrabaho.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan