Vhong Navarro, hindi na mapipigilan ang paglipat sa Taguig City Jail

Nakatakdang ilipat sa Taguig City Jail ang Kapamilya actor at host na si Vhong Navarro.

Sa isang nakaraang artikulo, boluntaryong sumuko ang aktor at It’s Showtime host noong Setyembre para sa mga kasong r@pe na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo kaugnay ng insidenteng nangyari noong 2014. Inakusahan siyang gumawa nito kay Cornejo sa pamamagitan ng “force, threat, and intimidation” at sa pamamagitan ng sadyang pagpapakalasing sa modelo.

Sumuko si Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI). Siya ay kasalukuyang nakakulong sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Center.

Gayunpaman, makalipas ang ilang buwan, sa ilalim ng commitment order na inilabas ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, nakatakda naang ilipat si Navarro sa Taguig City Jail. Sa kanyang paglilipat, sasailalim siya sa ilang mga health protocol requirements.

Panoorin ang ulat mula sa 24 Oras:

Ang asawa ni Navarro na si Tanya Bautista, ay nagsabi noon na natatakot siya na dumating ang araw na ito. Nag-aalala siya sa kaligtasan ng kanyang asawa sa city jail. Pero may isang bagay siyang sigurado, hindi siya aalis sa tabi nito kahit anong mangyari.

Ayon kay Bautista, “Si Vhong, sobrang mahal na mahal ko. Uhm, huwag na huwag mong iisipin na iiwan kita. Lagi na siyang ganyan. Iyon yung greatest fear niya.”

Samantala, noong 2014 ay pinigil at sinaktan ng grupo ni Cornejo sa pangunguna ni Cedric Lee si Navarro. Ilang personalidad din ang naging sangkot sa pananakit sa aktor at tv host.

Sina Lee at anim na iba pa – sina Cornejo, Sajed Fernandez Abuhijleh, Ferdinand Guerrero, Bernice Cua Lee, Simeon Palma Raz Jr., at Jose Paolo Gregorio Calma – ay nahaharap sa mga kasong serious illegal detention.

Binantaan nila si Navarro at ayon dito, humingi ang mga ito ng Php 2 milyon para mailigtas ang kanyang buhay.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *