Bagong post ni Angel Locsin tungkol sa kanyang asawa, umani ng reaksyon mula sa netizens

Isa ang Filipina actress at endorser na si Angel Locsin sa mga artista na maraming fans at supporters. Bukod sa pagiging isa sa mga celebs na may mahusay na kakayahan sa pag-arte, hinahangaan din siya sa pagsasalita sa ilang pangunahing pambansang isyu.

Umingay ang pangalan ng 37-anyos na celebrity matapos mapansin ng mga netizens na hindi siya aktibo sa social media. Marami sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ang nakaka-miss sa kanya at nag-iisip kung ano na ang nangyayari sa kanyang buhay sa ngayon.

Credit: Angel Locsin/Instagram

May mga bali-balita na si Angel at ang asawa nitong si Neil Arce ay hiwalay na. May mga haka-haka rin na buntis ngayon ang aktres.

Sa isang nakaraang artikulo, binasag ng aktres na si Dimples Romana ang kanyang katahimikan tungkol sa pagkawala ng kanyang malapit na kaibigan sa mata ng publiko. Ayon kay DImples, nagkaroon daw ng oras si Angel para maging pribado at makasama ang pamilya lalo na ang asawa.

Credit: Angel Locsin/Instagram

Sinabi rin ni Dimples na sanay na ang publiko na makita si Angel pero talagang “a very private person” siya at sobrang saya niya para sa kaibigan na ngayon ay nagkakaroon na ng oras para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

Kamakailan lang ay ibinahagi sa Facebook page ng aktres ang wedding pictures nina Angel at Neil. Makikita ang Team Angel PH sa naturang post sa page, na ayon sa mga netizens ay nangangahulugan na ang admin ng page ang nag-post ng mga larawan.

Ayon sa caption ng post, “Together forever.”

Marami ang natuwa sa post dahil patunay lamang ito na hindi totoo ang balitang hiwalay na ang mag-asawa.

Umani naman ng mga reaksyon at komento ang pinakabagong post na makikita sa FB page ni Angel.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Happy Anniversary to both of you” – @cassandradiscaya

“That’s awesome! Congratulations!” – @abigailstephen

“Yes finally nagparamdam kana po miss Angel Locsin . Stay safe po kayo palagi. Godbless.” – @lorgitaabong

“Together forever po cla.” – @jocelyncaparas

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *