Lovi Poe nagkwento kung bakit siya na-stress na hawakan si Piolo Pascual

Ibinahagi ng aktres na si Lovi Poe na isa sa mga hindi niya malilimutang eksena sa Flower of Evil ay ang underwater scene na ginawa niya kasama ang kanyang leading man na si Piolo Pascual.

Ang seryeng ito na halaw sa South Korean film na may parehong pamagat ay ang unang seryeng ginawa ni Lovi bilang isang Kapamilya. Lumipat siya sa ABS-CBN mula sa GMA noong nakaraang taon. Para sa kanyang unang proyekto, ipinares siya kay Piolo.

Credit: Lovi Poe/Instagram

Bahagi rin ng serye ang Kapamilya leading man na si Paulo Avelino. Sa kamakailang media conference, base sa ABS-CBN PR, sinabi ni Lovi na na-inspire siya sa kanyang mga leading men dahil nagbibigay sila ng magandang halimbawa para sa lahat.

Nang tanungin tungkol sa pinaka-memorable niyang eksena sa serye, sinabi ni Lovi na maraming mananatili sa kanyang isipan ngunit isa na rito ang eksena sa pool na ginawa nila ni Piolo.

Credit: Piolo Pascual/Instagram

Sa nasabing eksena ay kailangan niyang iligtas si Jacob del Rosario, ang karakter na ginagampanan ni Piolo, na nakatali sa ilalim ng pool. Ibinahagi ng aktres na tatlong araw nilang kinunan ang partikular na eksenang ito.

Napagod daw si Lovi at may pressure din sa side niya since adaptation nga ito at mataas ang expectation ng mga tao.

Ayon sa aktres, “Nung first day, iba ‘yung pakiramdam lalo na’t it was my first Kapamilya series.”

Inamin din niya na noong mga unang araw ng shoot ay talagang na-starstruck at nahihiya siya sa tuwing makakausap niya si Piolo. Sinabi ni Lovi na halos hindi siya makatingin sa mga mata ng aktor habang kausap ito.

Credit: Lovi Poe/Instagram

“Nase-stress akong hawakan siya. Habang lumilipas ang panahon, unti-unti akong naging komportable dahil siya ang nagpaparamdam sa akin,” dagdag pa niya.

Ginampanan ni Lovi ang karakter ng detective na si Iris Del Rosario.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.